Sabihin na lang nating may isang panaginip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi maganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Nakilala siya. Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus papunta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat…
Read MoreTag: For the Flag
INANG-BAYAN
Sisikat din ang araw bayan ko, malilipol din ang mga demonyong sumuso sa kinabukasan ng mga kabataan, mga kampon ng demonyong hinubadan at kinalbo ang mga bundok at kagubatan, lalabas din ang wika ng paglaya na pupunit sa korapsyong bumabalot sa kaluluwa ng bansa. Bubukas din ang hawla ng pagkakakulong sa sumpa ng trapiko, lalandas din ang mga eroplanong magbabalik sa mga mahal sa buhay mula sa pagpapaalipin sa ibayong dagat. Bubukadkad na muli ang bango ng kaluluwa ng tunay na pagka-Filipino, matutuwang lalanghapin ng langit ang bango ng kanyang…
Read MoreJOSE L. PAVIA HUWARANG MEDIAMAN
Minsan may isang beat reporter na naibulalas na walang nangyayari kaya wala siyang nai-file na istor-ya, isang mortal sin ito sa larangan ng pamamahayag. Naulinigan ito ng yumaong batikang journalist na si Joe L. Pavia, o JLP, at sa termino namin noon nabembang ng katakut-takot ang nasabing reporter. Para sa isang mamamahayag na katulad ni JLP walang imposible sa larangan ng journalism. Minsan naikwento niya ang isang batikan ding komentarista na si Ruther Batuigas na nagsilbi sa kanya bilang photo-journalist noong nagsisimula pa lamang si Batuigas sa industriya. Binigyan ni…
Read MoreANG TRAHEDYA NG OFWs
Inuwi kamakailan ang mga bangkay ng dalawa sa tatlong overseas Filipino workers na biktima ng serye ng mga pagpatay sa bansang Cyprus. Ang isang bangkay ay naiwan pa roon samantalang ang bangkay ng isang anim-na-taong gulang na bata na pinatay kasama ang kanyang ina ay dinala naman sa bansang Romania sa piling ng kanyang ama. Trahedya para sa Pilipinas ang ganitong mga pangyayari, nang dahil lamang sa kagustuhang maiangat ang pamilya sa paghihirap ay pikit-matang nangarap na makasumpong ng pagkakakitaan sa ibayong dagat. Tinatantiyang nasa 10 milyon ang overseas Filipino…
Read MoreANG PANANAMPALATAYA
Ang daigdig ay isinagawa at nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng salita at pananampalataya. Ito ay ebidensya ng bagay na hindi nakikita. Ang mga tao ay may iba’t ibang pananampalataya, iba’t ibang relihiyon. Ang bawat isa ay naninindigan na ang kanyang relihiyon ay ang siyang totoo. Sa mga Kristiyano pa lamang ay hindi mo na mabilang ang mga sekta o mga relihiyong pumapaimbulog sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ito nga, magpapasko na naman at ating inaalala at ipinagbubunyi ang kanyang paglakad sa daigdig mahigit dalawang libong…
Read MoreBILYUN-BILYON TUNAW SA YELLOW
Hinihimok natin ang liderato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan din ng atensyon ang napabalitang bilyun-bilyong pisong nawala sa kaban ng bayan noong nakaraang administrasyon. Sa totoo lang, hindi naman naarok ng mga kababayan natin ang mga pigurang P130 bilyon o P19 bilyon man. Sa mga nagsisikap mabuhay sa halagang P44 kada isang araw, na halaga ng isang kilong bigas, wala pang ulam ‘yan at gaas o uling man para pangluto, kapag binabanggit natin ang ganyang kalaking halaga ng salapi e medyo lampas sa radar nila. Ang nawawalang P130…
Read MoreANYARE SA TAX CREDIT SCAM?
Mukhang nagkakalimutan na ukol diyan sa multi-bilyon pisong tax credit scam. Maipaalala ko lang mga kabandila, 1999 hanggang 2001 ako’y nagsilbi bilang press consultant sa Philippine Board of Investments (BOI), isang ahensya ng pamahalaan na naatasang mag-promote ng investment climate sa bansa at humimok ng investors mula sa iba’t ibang nasyon. ‘Yan ding mga taong nabanggit ko na ang isa sa suliranin ng BOI ay ang pagkakadawit nito sa multi-bilyon pisong tax credit scam, na maya’t maya ay naipupukol sa imahe ng ahensya, bagaman sa Department of Finance ito pinal…
Read MorePOLITIKA SA LANSANGAN
Mali nga naman talaga ang mga nagtitinda sa mga bangketa at lansangan na karaniwang nakikita natin sa mga lugar ng palengke at talipapa. Mali talaga, ilegal ‘ika nga. Kaya tama ang Metro Manila Development Authority, mga barangay police, city hall officers at mga pulis na pagbabaklasin at paghuhulihin ang mga ito. Kahit na nga nakakaiyak silang panooring nagtatakbuhan at kapag nahuli ay kumpiskado lahat ang kani-kanilang mga paninda, naiisip mo rin na kung nagagawa natin sa kanila ang ganyan dahil nga ilegal ang kanilang pagtitinda dahil wala sa ayos at…
Read MoreHAMON NG ENDO
NANanatiling malaking hamon sa administrasyon ang pagbabaklas sa Endo, ito pa nga ang ibinubutas sa pangulo ng nga kritiko. Ngunit ang katotohanan, hindi naman talaga pwedeng baklasin ito sa pangkalahatan. Sa ibang industriya ay maaaring nararapat lamang na panatilihin ito. Sa usapin ng Endo ay kinapanayam ko ang dalawang eksperto, sina Labor Arbiter Marcial Galahad T Makasiar ng National Labor Relations Commission at Atty. Pearlito Campanilla, na isa namang batikang Labor lawyer at Labor university professor. Ayon kay Arbiter Makasiar, noong panahon ni Labor Minister Blas Ople ay may industrial…
Read More