SUSTANSYA

FOR THE FLAG

Habang ang trend sa buong mundo ay palaki nang palaki ang numero sa istatistika ng mga overweight (nasa isang bilyon na ang mga overweight sa ngayon sa buong daigdig), malaki at nakababahala pa rin ang numero ng mga taong nakararanas ng “chronic undernou­rishment” dahil sa kakulangan at kawalan ng makakain. Nasa 842 milyong mga taong chronically undernou­rished ay matatagpuan sa developing countries katulad ng bansang Pilipinas. Undernourishment at matinding kagutuman ang sanhi ng pagkamatay ng may 2.5 milyon na mga bata sa buong mundo taun-taon. Ang populasyon ng bansa sa…

Read More

CASHLESS LIFESTYLE

FOR THE FLAG

Bukod sa credit at debit card na karaniwang mga mayayaman lang ang nakaka-enjoy, nauuso na rin ang cashless lifestyle para sa masa. Para ka na ring may credit card dahil sa pinakabagong promo ng isang mobile wallet. Base sa GCash promo, makakakuha ng P50 QR voucher kapag nag-subscribe ng GoSAKTO90 ang isang Globe o TM prepaid customer. Magagamit ang katumbas na halaga ng QR voucher na pang-shopping, pang-grocery o pambili ng medisina sa mahigit 50,000 GCash partner merchants. Tulad sa credit card, cashless ang paraan ng paggamit ng QR voucher…

Read More

TERORISMO GAWING OBSOLETE

FOR THE FLAG

Maaaring mas makatutulong sa buong mundo, maging sa mga terorista kung mamarapatin nilang tigilan na ang pag-iisip at pagsunod sa dikta ng terorismo. Wala naman talagang buting maidudulot ang terorismo sa mundo. Oo nga’t kumikita ang mga terorista dahil ang nasa likod ng terorismo ay bilyun-bilyong dolyar na budget, subalit maaaring mas mainam ang kapayapaan na lamang ang pagtuunan na makakatulong pa sa kalusugan, kapahingahan at kaaliwan ng bawat isa, maging ng mga terorista. Maaaring hindi rin naman talaga natutuwa ang mga terorista sa pinaggagagawa nila, na pera-pera lamang naman…

Read More

ANG DILAW NA SI CARANDANG

FOR THE FLAG

Taong 2013 ay nasangkot si Arthur Melchor Carandang, bagong appointee noon bilang Overall Deputy Ombudsman, dahil sa kasong robbery extortion ngunit ipinagtanggol ito ng administrasyon ni Noynoy Aquino. Siya ay kamag-anak ng noo’y opisyal din ni Aquino na si Ricky Carandang na Communications Secretary ni Aquino. Si Arthur Carandang ang nagsilbing kasabwat ni Sonny Trillanes sa pag-atake kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang agad-agad ay maglabas ito ng bank records umano ng pamilyang Duterte noong 2017 na nakalap niya umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-iimbestiga umano sa pamilyang…

Read More

TRAPIKO PINASOSOLUSYUNAN

FOR THE FLAG

Sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay malinaw ang kanyang kautusan na nararapat na ang mga pampublikong lansangan ay ibalik nang magamit ng publiko upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila. Inatasan niya hindi lamang ang MMDA kundi pati ang DILG na tutukan ang mga siyudad na sundin ito o mahaharap ang mga respective mayor ng mga ito sa suspensyon. Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan…

Read More

DEPENISYON NG ENGKANTO

FOR THE FLAG

Sa orihinal na pagkakaunawa ang salitang “engkanto” ay nangangahulugan na mga lamang-lupa o mga nilalang na ispiritwal ang pinagkakaugatan. Ngunit may iba akong pakahulugan diyan. Maraming engkanto sa ating lipunan. Mga engkantong anyong tao. Ang iba’y mababasa ang mga pangalan sa mga pahayagan, nasa likod ng mga dambuhalang TV network, mga multong may mga kamay na pumapatag sa mga bundok, mga kaluluwang lumalason sa hangin, mga kaisipan na pinantatakip sa kamulatan, mga engkantong nasa likod ng kapangyarihan at tumatabas sa kasaysayan ng bansa. Mga engkanto ngang nananahan sa mga matatandang…

Read More

BUHAY PINOY

FOR THE FLAG

Nasa $2.6 billion ang naitalang remittance ng overseas Filipino workers para nitong nakaraang buwan ng Mayo. Mayaman ang Pilipinas sa remittance na hinihigop naman ng mga multi-bilyonaryong negosyante sa bansa. Pero kung pamimiliin ang OFWs kung mayroon lamang ding trabahong makasasapat sa pangangailangan at makatutustos sa mga pangarap nila rito sa bansa ay pihadong mas gugustuhin nila rito. Ating busisiing bahagya kung bakit umabot na salat sa trabaho sa mahal nating bansa na nagtutulak sa ating mga kababayan na makipagsapalaran sa ibayong dagat, kung bakit nasa 50% ng ating mga…

Read More

IMPEACHMENT KAY PRRD SAYANG LANG

FOR THE FLAG

Halatang parte lamang ng propaganda ang mga patutsada ni Gng. Leni Robredo at ng mga grupong makakaliwa na pag-file ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Una ay walang ground. Ang nangyaring banggaan ng barko o bangka riyan sa Recto Bank ay isang maritime incident na walang kontrol ang pa­ngulo ng Pilipinas, katulad na walang kontrol ang pangulo sa mga disgrasya sa mga lansangan. Ibig sabihin ba kung magkabanggaan ang isang kotseng may diplomatic plate at isang motor sa EDSA ay impeachable offense na rin. Nananaginip ba ang…

Read More

MINING INDUSTRY ISASALBA?

FOR THE FLAG

Ang Pilipinas ay isa sa mga mayamang source ng mineral sa buong daigdig, nandiyan ang malakihang deposito ng nickel, gold, copper, iron at chromite. Ayon sa opisyal na estimate, nasa US$1.4 trillion ang halaga ng mga ito na nakadeposito sa bansa. Ngunit ang ating mining sector ay nag-o-operate lamang ng may 2.35 percent ng may siyam na ektaryang lupain sa bansa na may mataas na mineral potential — nasa 48 metallic mines at 61 non-metallic mines lamang ang operational. Magandang pigura ito, ibig sabihin nito ay investments, revenues, mga hanapbuhay,…

Read More