LALAKI NALIBING SA GUMUHONG LUPA 

DAVAO de Oro – Nalibing nang buhay ang isang lalaki makaraang matabunan nang gumuho ang lupa habang natutulog sa kanilang kusina, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Abner Abejo, 37-anyos, residente ng Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro. Batay sa report ng Mt. Diwata Special Sub-Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang kusina na kinaroroonan ni Abejo. Mabilis na…

Read More