HAZE NG INDONESIA UMABOT NA SA METRO CEBU

(NI DAHLIA S. ANIN) UMABOT na sa Metro Cebu ang haze mula sa Indoneia forest fire, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). “Metro Cebu is currently experiencing hazy weather condition caused by the forest fire in Indonesia and enhanced by hanging habagat,” ayon sa advisory na inilabas ng DENR- Environment and Management Bureau sa Central Visayas. “As of 8 am today, real time monitoring data for PM 2.5 showed a reading of 56 micrograms per normal cubic meter which is above the safe guideline value of  50…

Read More

GOLD SINUNGKIT; LADY VOLCANOES, NAGPASABOG

rugby77

(NI JEAN MALANUM) PINASABOG ng Philippine Lady Volcanoes ang host Indonesia, 26-7, para sungkitin ang gold medal at kumpletuhin ang kampanya sa 2019 Asia Rugby Women’s Sevens Trophy, Linggo ng gabi sa Jakarta. Kinontrol nina Aldee Denuyo, Aiumu Ono, at Helena Indigne ang laro para ihatag sa Pilipinas ang panalo. Dahil sa nasabing panalo, ang Lady Volcanoes ay umangat sa Asia Rugby Women’s Seven Series sa susunod na season. Blinangko rin ng Pilipinas ang Qatar, 27-0 at Laos, 24-0. Pagkatapos ay isinunod ang India, 19-12 para umabante sa finals laban…

Read More

INDONESIAN PRESIDENT NA STARSTRUCK KAY CATRIONA

cat123

Noong Lunes, March 10, nag-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Indonesian President Joko Widodo. Dalawang araw bago ang nasabing courtesy call, naging parte rin si Catriona ng Puteri Indonesia, ang version ng kapit-bansa natin ng Binibining Pilipinas. Nag-guest siya rito kasama ang reigning Miss International at Miss Supranational. Isang maikling video clip ang pinost sa Instagram ng Catriona Universe account, isang fan page para sa mga tagahanga ng Filipina beauty queen. Dito, makikitang matapos kamayan ni Catriona si President Widodo, tila isang fan ito na kinilig at…

Read More

BALITANG PAGBITAY KAY MARY JANE VELOSO ‘DI TOTOO

mary

(NI DAVE MEDINA) ITINANGGI ang mga naglabasang balita na natuloy na ang pagbitay sa Pinay domestic helper na nahulihan ng droga sa Indonesia na si Mary Jane Veloso. Ayon sa Indonesian Attorney General’s Office (Ago), wala pang desisyon ang korte at si Pangulong Joko Widodo na ituloy ang parusang kamatayan kay Veloso dahil hinihintay pa ang magiging hatol ng hukuman dito sa Pilipinas sa sinasabing illegal recruiter at  drug trafficker ng Pinay domestic helper na kababayan nito sa probinsya. Ayon kay AGO spokesperson Mukri, walang katotohanan ang mga kumakalat na…

Read More

PINOY ASG, 5 ISIS NA ASYANO NASAKOTE SA MALAYSIA

malaysia1

(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa  na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa. Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police. Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country. Ang 21-anyos na terorista ay…

Read More

WALANG PINOY SA INDONESIA TSUNAMI – DFA

indonesia100

(NI ARDEE DELLOMAS) WALANG naitalang Filipino sa mga namatay sa naganap na tsunami sa Lampung at Banten, Indonesia. Ito ang pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs sa mga miyembro ng Filipino community sa lugar. Sinabi ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, agad silang nakipag-ugnayan sa National Disaster Management Authority sa lugar at nabatid na walang Pinoy ang napasama sa 222 namatay dahil sa tsunami. Hindi inabot ng tubig baha ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Filipino sa nabanggit na bansa.   165

Read More