HIGIT P760-M ARMAS BIBILHIN NG PNP SA ISRAEL

TINATAYA sa 25,120 bagong units ng dekalidad na baril ang nakatakdang bilhin ng Philippine National Police (PNP) sa bansang Israel. Kabilang umano sa bibilhin ang mga 5.56-mm basic assault rifle sa pamamagitan ng government-to-government agreement sa pagitan ng PNP bids and awards committee at ng Israel Ministry of Defense. Nasa P762 milyon ang halaga ng armas, ayon pa sa PNP. Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, matibay at dekalidad ang mga bibilhing armas, at nakatipid pa ang pamahalaan ng P41,000 bawat rifle. Dagdag pa niya, pinili nila ang…

Read More

PINOY WORKERS NA OVERSTAYING SA ISRAEL IDEDEPORT

israel12

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapadeport sa mga Filipino workers, kasama ang kanilang mga pamilya, mula sa bansang Israel. Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa Population and Border Authority (PIBA) para sa repatriation ng mga Pinoy kasama ang kanilang pamilya. Ayon sa Embahada, sasagutin ng PIBA ang repatriation ticket ng mga Filipino na uuwi ng Pilipinas. Inirerespeto naman ng Pilipinas ang ipinatutupad na batas ng Israel Government kaugnay sa mga Filipinong overstaying kasama ng kanilang mga anak. Gayunman, nananawagan ang DFA sa…

Read More

DFA KINALAMPAG VS 100 PINAY WORKERS

israel

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senadora Leila de Lima ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tiyakin na matutulungan ang nasa 100 Filipino workers na nasa Israel na nakatakdang ipatapon pabalik ng bansa. Partikular na tinukoy ni De Lima ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kailangang kumilos sa lalong madaling panahon upang masagip ang nasabing mga Pinoy workers at mga anak nito. “I call on the Department of Foreign Affairs to leave no stone unturned in ensuring that the rights of our fellow Filipinos and their children in Israel will…

Read More

PH SA ISRAEL: MGA IDEDEPORT TRATUHIN NANG MAAYOS

israel

(NI DAVE MEDINA) PINAKIUSAPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamahalaan ng Israel na tratuhin nang mabuti ang mga Filipino Migrant na kanilang nakatakang i-deport ng Pilipinas sa susunod na ilang araw. Humingi ng pulong ang DFA sa pamamagitan ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Leslie Baja na pinaunlakan ni Israel Ministry of Foreign Affairs Deputy Director General Gilad Cohen. Isinangkalan ni Asec Baja ang magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa paghingi ng pabor mula sa Deputy Director General ng Israel. Hiniling…

Read More

1K PINOY KAILANGAN SA ISRAEL

PINAGHAHANDA ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga Pilipino na gustong magtrabaho sa mga hotel sa Israel dahil mahigit 1,000 ang job offering sa nasabing bansa. Ayon kay DoLE Secretary Sylvestre Bello III, sigurado ang alok na ito dahil nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng DoLE at Israeli Tourism Ministry. Patuloy na lumalakas ang industriya ng turismo sa Israel kung saan ang gusto ng kanilang pamahalaan ay mga Pilipino ang maging empleyado nila dahil marunong itong mag-Ingles at napakahusay magsilbi at magtrabaho. Nagpaalala lamang si Bello na…

Read More