IPAGBAWAL NA ANG SMARTMATIC SA ELEKSYON!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kamakailan ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na dapat Smartmatic ang gamitin sa eleksyon sa 2022. Pinapatibay pa nito ang tindig ng Bayan Muna noon pa na dapat nang pagbawalan ang paglahok ng Smartmatic sa eleksyon sa Pilipinas dahil sa maanomalya, magastos, at hindi kapani-paniwalang mga halalan gamit ang mga makina nila. Kung ating aalalahanin, kinontrata ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management Corporation (Smartmatic-TIM) para mag-supply ng 23,000 optical mark reader (OMR) machines na ginamit noong eleksyon 2016. Noon pa lamang ay sinabi na ng Bayan Muna na…

Read More

PAGBAWAL NG BUS SA EDSA, IDUDULOG SA SUPREME COURT NG BAYAN MUNA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sinabi ni Bayan Muna Chairman  at Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares na maghahain ito ng interbensyon sa Korte Suprema hinggil sa nakaambang pagbabawal ng mga bus sa EDSA ng Metro Manila Development Authority o MMDA. Ilang buwan na ang lumipas noong sinabi ng Bayan Muna na kailangang repa­suhin ang balak na centralized bus terminal para umano sa pag-ampat ng trapiko sa Metro Manila, dahil sa magiging epekto nito sa libu-libong komyuter. Gayundin, hindi ito ang lulutas sa matinding trapik sa sentrong lungsod. Subalit, hindi ito sinasagot ng pamahalaan hanggang…

Read More

DAPAT PA RING MANAGOT SI EX-MWSS CHAIRMAN VELASCO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kailangan pa ring managot ang dating Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chairman Reynaldo Velasco sa nangyaring shortage ng tubig nitong tag-init, bagama’t tinanggal na siya sa puwesto ni President Rodrigo Duterte. Pinalitan na siya ni PBrigGen Ricardo Morales bilang chairman ng MWSS. Napakalaking epekto sa mga residente sa National Capital Region at karatig-lalawigan ang pagkawala ng tubig. Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, hindi pwede na maabswelto sa pananagutan si ex-Chairman Velasco dahil tinanggal na siya sa puwesto. Dapat pa rin siyang managot sa kanyang kapabayaan na nagdulot…

Read More

REBATE PARA SA LAHAT NG NAWALAN NG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tagumpay ng taumbayan ang P153.93 at P2,197.94 na dagdag pa na voluntary bill rebate mula sa Manila Water, ngunit sa tingin ng Bayan Muna at sa tagapangulo nito na si Neri Colmenares, hindi ito sapat. Bagama’t tinitingnan natin bilang positibong pangyayaring ito matapos maghain ang Bayan Muna at iba pang grupo ng reklamo laban sa Manila Water, kailangan ay mas maraming konsumer na apektado ng water interruption ang mabigyan ng kompensas¬yon. Nararapat na lahat ng apektado ng kawalan ng tubig ay mabigyan ng makatarungang kompensa¬syon! Dapat hindi lamang ang mga…

Read More

WALANG ATRASAN, TULOY ANG LABAN!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa ordinaryong mga pagkakataon, ang kandidato na hindi nanalo sa eleksyon ay dapat tanggapin ang resulta ng botohan at tumanggap ng pagkatalo. Ngunit, hindi ordinaryo ang nangyaring halalan 2019. Bago pa man ang kampanya, nakita natin na nangangampanya at gumagastos na ng milyones ang ilang kandidato sa mga TV at radio advertisements. At sa loob ng 90-araw na kampanya, sobra-sobra ang naging gastos ng mga kandidato sa pinapayagan na campaign spending, kasama na ang patalastas sa TV at radyo. Nakita natin kung paano ginamit ang pera at resources ng gobyerno…

Read More

WALANG KREDIBILIDAD ANG NANGYARING HALALAN

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa palagay ng Makaba­yang Koalisyon ng Ma­mamayan o MAKABAYAN, bukbok ang kredibilidad sa kondukta at resulta ng nagdaang halalan ngayong Mayo 2019. Mula kampanya hanggang bilangan, tadtad ito ng mga isyu ng iregularidad, pandaraya, at iba pang electoral offenses na bumakbak sa tiwala ng taumbayan sa naging resulta ng eleksyon. Halimbawa na lamang dito ang pagkaantala ng pagpapaalam sa publiko ng resulta ng halalan sa senatoryal at party-list, at ang kawalan ng transparency sa buong kondukta ng halalan. Ang pinakaesensya ng automated na botohan ay ang bilis nito at transparency. Ngunit, sa…

Read More

BAYAN MUNA, NUMBER 1 PA RIN SA MAMAMAYAN!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa kabila ng fake news at black propaganda, magkakaroon pa ng tatlong kinatawan sa Kongreso ang Bayan Muna Party-list, ayon sa survey ng Pulse Asia nitong Mayo. Nagpapakita lamang ito ng napakalaking suporta ng mamamayan na naniniwala sa adhikain at track record ng Bayan Muna. Nagpapasalamat ang Bayan Muna sa taumbayan sa kanilang suporta sa kabila ng sistematikong pani­nira, harassment, pagpatay, at pagdukot na ginagawa ng mga anti-demokratikong mga pwer­sa sa ating partido at sa mga kampanyador at tagasuporta. Nagtaasan sa ranking ng survey ang ibang party-list, dala na rin…

Read More

SALUDO KAY JOEL VIRADOR: MAKABAYANG MAMBABATAS!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Puno ng dalamhati ang Bayan Muna Party-list sa pagpanaw ni Joel “JV” Virador, 52, dating kinatawan ng Bayan Muna sa ika-13 Kongreso. Siya ay pumanaw mula sa matin­ding sakit na papillary carcinoma. Matagal na aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao si JV bago pa man siya naging kinatawan sa Kongreso. Mula pa lamang nang siya ay estudyante sa kolehiyo, siya ay naging bahagi ng League of Filipino Students. Dito niya sinimulan ang tuluy-tuloy niyang paglilingkod sa mga aping sektor sa ating lipunan, partikular sa Mindanao, kung saan siya ipinanganak at…

Read More

BULNERABLE SA DAYAAN ANG DARATING NA HALALAN SA PAG-ATRAS NG NAMFREL

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Bayan Muna, lubhang nakakabahala ang pag-withdraw ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) bilang accredited na watchdog sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Talamak ang dayaan at iregularidad sa ating halalan, at lalo pa tayong nangangamba na mas magiging bulnerable ang ating eleksyon sa mga nais manipulahin ito ayon sa kanilang mga makitid na interes. Ayon sa NAMFREL, ang kanilang withdrawal ay bu­nga ng pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang petisyon upang magkaroon ng open access at data sa voter’s list, presinto, at…

Read More