PAGHUSAYIN ANG KOLEKSYON BAGO MAGTAAS NG KONTRIBUSYON SA SSS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Hindi sang-ayon ang Bayan Muna sa panukala ng pagpapataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng SSS para matugunan ang pangangailangan nito sa pondo. Sa halip, dapat tuunan ng pansin ng SSS ang pagkokolekta nito ng mga hindi nire-remit na kontribusyon mula sa mga employer at kompanya. Umaabot na sa P437 bilyon ang hindi nakokolek-tang premium at penalties ng SSS mula 2010. Ang kalahating trilyong kontribusyon na hindi ni-re-remit ng mga employer ay masasabing systemic failure na ng SSS na kolektahin ang bayad ng kanilang mga miyembro. Kung hindi nga nila…

Read More

PINAPAHIRAPAN NG MONOPOLYO NG MERALCO ANG MAMAMAYAN

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

NOONG nakaraang Biyernes ay nagsagawa ng piket protesta ang Bayan Muna kasama si Atty. Neri Colmenares sa tanggapan ng Meralco. Ito ay dahil sa nakaamba na namang taas-singil sa kuryente. Sa pagtingin ng Bayan Muna, hindi makatarungan ang panibagong taas-singil ng Meralco, na may record na ng panlalansi upang mas makasingil ng mas mataas sa mga konsumer. Idiniin ng Bayan Muna ang kasong inihain nito noong 2013 sa Korte Suprema, nang magpataw ng P4.15 kada kwh na dagdag-singil ang Meralco. Dahil sa kasong ito, hanggang ngayon ay naka-Temporary Restraining Order…

Read More

NAKAKAALARMA ANG PAGKALAT NG TIGDAS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakababahala ang balitang may outbreak ng tigdas sa ating bansa, na ikinamamatay na ng higit animnapu kabilang ang higit sa dalawampung bata ngayon lamang taon. Ayon pa sa Department of Health Epidemiology Bureau, may 942 na naitalang kaso ng tigdas sa buong bansa. Sa NCR, mayroon nang 58 na namatay sa San Lazaro Hospital pa lamang. Kailangan ay may kagyat na gawin ang ating pamahalaan upang hindi kumalat ang sakit na ito, na maaari namang mapigilan ng pagbabakuna. Minumungkahi ng mga grupong pangkalusugan na triplehin ang pagsisikap ng pagbabakuna kabilang…

Read More

NAIS NILANG MAMAMAYAN ANG MAGPONDO SA MGA POLITICAL PARTY

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Nakahain ngayon sa Kamara de Representante ang Strengthening of the Political Party and Appropriating Funds Thereof Bill o House Bill 697. Ito ay inihain ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Tila maganda ang tunog ng pamagat ng panukala, hindi ba? At sa nilalaman nito ay may mga positibong probisyon, tulad ng anti-turncoatism o paglilipat-lipat sa mga partido, transparency, at ang pagpapaunlad ng party politics (politika batay sa partidong sinalihan.) Tunay naman na mahalaga ang mga bagay na ito para sa pag-unlad ng politika at demokrasya. Ngunit, kung susuriin ng masusi…

Read More

MULI PANG TATAAS ANG PRESYO NG BILIHIN

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Ipinagmamalaki ng Malacañang ang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% mula sa antas nito noong Dis­yembre 2018 na 5.6%. Ang inflation ay ang kwentada ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Bumaba ang inflation, pero dapat ba magdiwang sa balitang ito? Una sa lahat, ang 4.4% na inflation rate ay napakataas pa rin. Noong Enero 2018, noong unang ipinatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), ang inflation ay nasa 4% lamang. Sa panahong ito umaaray na ang taumbayan sa presyo ng bilihin at serbisyo. Katunayan, ang bawat pagtaas…

Read More

BAKIT AYAW IPAKITA ANG SALN NG MGA MAMBABATAS?

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Umaandar ang makina sa Kamara de Represen­tante upang gawing mas mahirap makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang publiko. Nais nila na ang plenaryo — ang Kongreso mismo —- ang magbobotohan kung ilalabas o hindi ang SALN ng  isang kongresista. Ang SALN ay nagsasaad ng lahat ng ari-arian at salapi ng mga opisyal ng pamahalaan bawat taon. Batay rito, makikita kung lumalaki o lumiliit ang ka­yamanan ng mga opisyal ng gobyerno. Proteksyon ito sa interes ng mamamayan, upang matiyak na hindi pinagsasamantalahan ng mga politiko…

Read More