KONTRATISTA SA NAT’L ID SYSTEM PINAGDUDUDAHAN SA KAMARA

id44

(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG kinakabahan ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga personal na seguridad ng mga Filipino matapos makuha umano ng isang kuwestiyonableng kumpanya ang kontrata bilang administrator ng National ID. Ayon kay House deputy minority leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, nakuha umano ng Gemalto NV ang kontrata para implementasyon ng National ID system gayung sangkot ang mga ito aniya sa depektibong voter’s registration verification machines (VRVM) noong nakaraang eleksyon. “This is another danger to the national ID system since the one that would…

Read More

PROBLEMA SA DENGUE SISILIPIN SA KAMARA

dengue78

(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang nakababahala na ang dami ng nagkakasakit ng dengue, isang resolusyon ang inihain sa Kamara ngayong Huwebes na humihiling na imbestigahan ang hakbang ng gobyerno para tugunan ang problema sa dengue. Sa House Resolution 124 na inihain nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago, hiniling nito sa Committee on Health na imbestigahan “in aid of legislation” ang mga aksiyon ng pamahalaan sa dengue outbreak sa bansa at kung may…

Read More

SOLON: KAMARA MAGIGING RUBBER STAMP DUTERTE

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG magiging rubber stamp ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kapag tuluyang nabuo ang “Duterte Coalition” na binubuo ng kanyang mga anak. Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro kaugnay ng Duterte Coalition na sinisimulang buuin nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. “We cannot expect the so-called ‘Duterte Coalition’ to serve the interest of the Filipino people. Instead, we can only expect this 18th Congress to be another rubber stamp of the Duterte administration,” ani…

Read More

SUPER MAJORITY SA KAMARA PATAY NA?

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T nagsisimula pa lamang ang huling tatlong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, patay na agad ang super majority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya  binubuo ang “Duterte Coalition”. Ganito ang pagbasa ng Makabayan bloc sa Kamara hinggil sa labanan ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Speakership sa Mababang Kapulungan na naging dahilan kaya buuin ng kanyang mga anak na sina Davao Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang “Duterte Coalition”. “Such emergence of a “Duterte Coalition” confirms that a House super majority is dead,”…

Read More

OK NA SA KAMARA; BUNTIS IMOMONITOR NG HEALTH WORKERS 

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD) DADALAWIN na ng mga health workers ang mga buntis sa kanilang mga nasasakupang lugar lalo na ang mga mahihirap upang maalagaan ng gobyerno ang mga ito lalo na ang kanilang ipinagbubuntis. Ito ay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9186 o  “Expanded Maternal and Infant Care Act” na mag-eestablisa ng  Maternal and Infant Health Home Visitation Program. Sa ilalim ng nasabing panukala, kailang i-monitor ng mga health workers sa mga siyudad, munisipalidad at lalo na sa mga barangay health workers ang…

Read More

KAMARA NAGDAOS NG NECRO SERVICE KAY NOGRALES

nogi12

(NI ABBY MENDOZA) ISANG necrological service ang inialay ng House of Representatives bilang huling  pagpupugay sa yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles. Alas 8:00 ng umaga nang dumating ang mga labi ni Nograles sa Batasan Complex na sinalubong ng mga kaanak,  empleyado at kongresista sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Bago ang misa, ay nagsagawa muna ng flag draping ceremony ang mga Honor Guards na sinalubong ng mga kongresista. Naging emosyonal ang necrological service kung saan may ilang dating nakasama ng mambabatas ang nakitang umiiyak. Niyakap at…

Read More

1-K KADA BUWAN NG MAY HIV IKINAALARMA NA SA KAMARA

aids

(NI BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng record breaking sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung hindi magiging agresibo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa paglaban sa nasabing sakit. Inihayag ni House deputy majority leader Ron Salo ang pangamba dahil nagte-trending na situwasyon kung saan mahigit 1,000 Filipino ang nagkakaroon ng HIV kada buwan na kung magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon ay magkakaroon ng 12,000 HIV victims sa bansa. “We now have 2,262 new cases this year as of last February. If the new…

Read More

DOBLE PLAKA POSIBLENG PALITAN NG GPS, STICKER

rider123

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ipatutupad ang “doble plaka” law, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na palitan na lamang ito ng GPS o global positioning system at sticker para sa identification ng mga motorsiklo. Kasabay nito, sinabi ni House assistant majority leader Bernadeth Herrera-Dy na kailangang magkaroon ng joint resolution ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para pagtibayin ang pagpapasuspinde ni Duterte sa Republic Act 11235 o doble plaka law. Ayon sa mambabtas, mahalaga ang nasabing batas para makontrol ang krimen na kagagawan ng…

Read More

MALING MEMO SA CUSTOMS GINAGAMIT SA SMUGGLING

KOREA BASURA12

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAREREBYU ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs memo na posibleng nagagamit ng mga smugglers sa droga at iba pang kontrabando. Iminungkahi ito ni Iligan City Rep Frederick Siao kay Commissiner Rey Guerero matapos matuklasan sa kanilang imbestigasyon ang sistema sa pagpasok sa bansa ng mga basurang iniangkat mula sa South Korea. Sinabi ni Siao na dahil umano sa kaluwagan ng Customs ay nakapapasok sa bansa at posible pang kasabwat ang ilang tiwaling empleyado ng Customs sa iregularidad…

Read More