PONDO NG LGU MATATANGGAP SA 2020

(NI NOEL ABUEL) MALAKI ang posibilidad na simula sa darating na taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito ay bunga ng polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipatutupad sa taong 2021. Ayon kay Lacson, nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang…

Read More

OLD SCHOOL NA BUILDING CODE, HILING BAGUHIN

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) IMINUNGKAHI ni Senador Panfilo Lacson na panahon nang pag-aralan ang pag-amiyenda sa Building Safety Standards sa bansa na hindi na naaayon sa nararanasang malalakas na paglindol. Ayon kay Lacson, kailangan nang mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha kung kaya’t dapat nang buhayin na itaas o palakasin ang building safety standards ng bansa. Sa inihain nitong Senate Bill 1239 layon nito na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines na magpahanggang ngayon ay hindi…

Read More

MARSHAL SA MGA HUKOM, IGINIIT SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang panukala para sa pagbuo ng Philippine Judicial Marshal Service na magbigigay ng proteksiyon sa hukom, opisyales at maging mga kawani. Sa Senate Bill 1209, iginiit ni Lacson na tutugunan ang pahayag ni Chief Justice Diosdado Peralta na kailangan ng judicial marshals na maging law enforcement arm ng hudikatura, na parang Supreme Court of the United States Police at United States Marshal. “This legislative measure seeks to create a Philippine Judicial Marshal Service under the control and jurisdiction of the Supreme…

Read More

PORK BARREL SA KAMARA GAGAMITING PONDO SA 3 GOV’T PROJECTS

(NI NOEL ABUEL) MAY magagamit nang pondo para sa implementasyon ng National ID, Universal Health Care at Quality Tertiary Education sa 2020. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan kabilang sa umano’y maaaring pagkuhanan ng pondo ng tatlong maituturing na ‘landmark’ na programa ng kasalukuyang administrasyon ang pork barrel at mga duplicative projects na isiningit ng ilang kongresista sa P4.1 trillion national budget. “The National ID system needs at least P5.565 billion in 2020 to cover the registration of some 14 million Filipinos and resident aliens. But the…

Read More

LACSON, NALUNGKOT SA KAPALARAN NI ALBAYALDE

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANILO BACOLOD) NANLULUMO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may mga graduate ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinain na ng sistema ng katiwalian. Ang pahayag ni Lacson ay kasabay ng kanyang reaksyon sa pagbibitiw ni PNP chief Oscar Albayalde makaraang masangkot sa kontrobersiya ng ninja cops. “I do not mean to cast judgment on Gen Albayalde’s character with the preceding statement. Rather, it is only to reiterate the sad reality that many PMA graduates have been eaten by the corrupt and corrupting system of law…

Read More

WALA AKONG ITINUTULAK NA SUSUNOD NA PNP CHIEF – LACSON

(Ni NOEL ABUEL) Ipinagkibit-balikat lamang ni Senador Panfilo Lacson na may itinutulak itong susunod na lider ng Philippine National Police (PNP) sa sandaling magretiro na si PNP chief Oscar Albayalde sa susunod na buwan. “Wala akong kilala sa mga ano ngayon. Wala akong nakasama riyan na directly nagtrabaho under me. At ni minsan hindi ako nakialam sa appointment ng CPNP especially sa ilalim ng pamumuno ni Presidents Aquino and Duterte,” giit nito. Idinagdag pa ni Lacson na walang katotohanan na may sinusuportahan itong susunod na PNP chief kung kaya’t binabatikos…

Read More

LACSON KAY ALBAYALDE: NINJA COPS SIBAKIN!

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) HINAMON ni Senador Panfilo Lacson si Philippine National Police (PNP) chief Police Director Oscar Albayalde na patunayan na wala itong kinalaman sa ginawa ng tinaguriang 13 ninja cops na sangkot sa pagre-recylce ng ipinagbabawal na gamot. “Ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire. Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap…

Read More

WALANG CEASEFIRE!

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG ceasefire sa pagitan ng mga senador at kongresista sa usapin sa ‘pork barrel’ matapos akusahan ng mga lider ng Kamara sina Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate minority leader Franklin Drilon sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na reform programs ng gobyerno. Ayon kay Deputy Speaker Pablo John Garcia, imbes na magbato ng alegasyon na walang basehan sina Lacson at Drilon ay dapat umano nilang alamin muna kung totoo ang kanilang alegasyon na mayroong  pork barrel sa pinagtibay na 2020 General Appropriation Bill (GAB) na nagkakahalaga ng…

Read More

SOLON NA NAGKAKAMPIHAN SA KAMARA; ‘DI AKO NASISINDAK! – PING

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN si Senador Panfilo Lacson na hindi ito magpapasindak sa mga kongresista dahil sa pagbusisi nito sa 2020 national budget na pamahalaan na pinasukan ng pork barrel ng mga huli. Ayon kay Lacson, kailangang matiyak na maayos na magagamit ang P4.1 trillion na pondong hinihingi ng pamahalaan dahil  pera ito ng taumbayan. “Ito taun-taon ginagawa ko ito hindi lang ngayong taon na ito, hindi lang naman dahil ang nagsalita si Cong. Castro o Cong. Defensor o Cong. Abante. Maski sino naman ang napansin natin na talagang inaabuso…

Read More