(NI KIKO CUETO) TINIYAK ng social welfare department na may sapat silang mga relief supplies para tugunan ang pangangailangan ng mga tinamaan ng lindol sa Soccsksargen at Davao, kung saan 22 na ang namatay dahil sa serye ng malalakas na lindol mula noong October 16. May mga mobile storage units, isang mula sa United Nations World Food Programme, na may kapasidad ng 1,600 cubic metric tons ng goods ang inilagay sa Kidapawan City, Cotabato, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naglagay na rin ng community kitchen sa Barangay…
Read MoreTag: LINDOL
DUTERTE LIGTAS SA 6.5 LINDOL
(NI NOEL ABUEL) NASA maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng nangyaring muling paglindol sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao. Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Bong Go sa kabila ng pagkakaroon ng crack sa ilang bahagi ng bahay ng Pangulo ay maayos naman ito na nagkataong nasa lungsod ngayon. ” Nasa CR si Pangulong Duterte sa Teachers Viilage nang tumama ang magnitude 6.5 na lindol pero wala namang masamang nangyari sa kanya,” sabi ni Go. Tanging bitak sa pader ang natamo ng bahay ng Pangulo…
Read More4 PATAY, 8 SUGATAN SA 6.5 LINDOL SA COTABATO
(NI JG TUMBADO) APAT katao ang nasawi nasawi kabilang ang isang barangay chair sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, nang yanigin ng panibagong lindol ang Cotabato kaninang umaga. Nakilala ang nasawing kapitan na si Cesar Bangot ng Barangay Batasan. Sa nakarating na report sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), gumuho ang Barangay gym sa kasagsagan ng 6.5 magnitude earthquake sa bayan ng Tulunan pasado alas 9 ng umaga at nadaganan si Bangot ng bumagsak na debris ng gusali. Tatlo pang indibidwal ang nasawi sa iba’t ibang lugar…
Read More6.6 LINDOL YUMANIG SA ILANG BAHAGI NG MINDANAO
NIYANIG ng magnitude 6.6 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao, ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ang epicenter ay naitala sa Tulunan town sa Cotabato province, kung saan nilindol din nitong buwan na pumatay sa tatlo katao. Naitala ang lakas ng lindol sa: Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City Intensity V – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon Intensity…
Read MoreP200-M PINSALA NG MAGNITUDE 6.3 NA LINDOL
(Ni DONDON DINOY) DAVAO DEL SUR—-MATAPOS magdeklara ng state of calamity ang mga lokal na gobyerno sa bayan ng Magsaysay at Matanao, Davao del Sur, napag-alaman na maraming paaralan at kabahayan ang napinsala sa magnitude 6.3 na lindol na tumama noong Miyerkules ng gabi. Sa bayan ng Magsaysay, aabot na sa P200-milyon ang pinsala ng lindol habang nasa 2,021 pamilya na ang apektado at patuloy na binibigyan ng pagkain ng lokal na gobyerno. Ayon kay Anthony Allada, tagapagsalita ng lokal na gobyerno, nasa 395 kabahayan na ang totally damaged, 1,144…
Read MoreDSWD-11 AAYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL
(Ni DONDON DINOY) DAVAO CITY – NAGHAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)-11 upang tumulong sa mga lokal na gobyerno lalo na ang mga grabeng naapektuhan ng lindol na tumama sa iba’t ibang parte sa Mindanao kung saan pinakaapektado ang probinsya ng Davao del Sur. Sinabi ni Erna Sampiano, chief ng Disaster Division sa DSWD-11 na naka-stand by na ang higit 10,000 na mga relief goods, family kits at ang P3-milyong pondo na maaring ipamigay sa mga apektadong pamilya. Ngunit nilinaw din ng nasabing kagawaran na…
Read More40 ISKUL APEKTADO SA 6.5 MAGNITUDE QUAKE SA N. COTABATO
(NI KEVIN COLLANTES) NASA 40 paaralan ang naapektuhan at napinsala ng 6.3-magnitude na lindol na tumama sa North Cotabato nitong Oktubre 16, batay sa ulat ng Department of Education (DepEd). Sa situation report na inilabas ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), nabatid na ang lalawigan ng Sarangani ang may pinakamaraming bilang ng naapektuhang paaralan na umabot sa 17, kasunod ang Cotabato City na mayroon namang 11 paaralan na nasira. Nasa apat naman ang paaralan na napinsala sa Koronadal City, tatlo sa Kidapawan City, dalawa sa Digos City, at…
Read More5 PATAY, HIGIT 60 SUGATAN SA 6.3 LINDOL SA N. COTABATO
(NI KIKO CUETO) LIMA na ang kumpirmadong patay kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa bayan ng Tulunan, North Cotabato at kalapit na lugar Miyerkules ng gabi. Sa report, sinabi ng pulis na kabilang sa namatay ang 7-taong gulang na bata na nadaganan ng gumibang pader sa Tulunan. Namatay din ang 2-taong gulang na bata sa Davao del Sur, na nabagsakan ng mga bagay habang natutulog. Kinilala ang biktima na si Cristine Roda. Natabunan naman ng landslide ang bahay sa Barangay Malawanit, Magsaysay. Nailigtas ang isang lalaki at…
Read MoreDAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 5.3 LINDOL
ISA na namang 5.3-magnitude earthquake ang yumanig sa Davao Oriental, Huwebes ng umaga, ilang oras matapos yanigin ng 6.3 magnitude ang ilang bahagi ng Mindanao. Bandang alas-4:53 ng umaga nang maganap ang lindol sa 120 kilometers northeast ng Manay town. Naitala rin ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa Tupi at General Santos City sa South Cotabato, at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani. Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay hindi aftershock ng naunang liondol na tumama sa Tulunan, North Cotabato, Miyerkoles ng gabi. Hindi inaasahang lilikha ng…
Read More