(NI KIKO CUETO) PATULOY na magpapaulan ngayong araw ang low pressure area na tumawid sa central Philippines. Huli itong namataan sa Sulu Sea, may 150 kilometro west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental. Tumawid ito sa Palawan, ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz. Ang Metro Manila, Calabarzon, Mamaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Visayas at ang mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay makakaranas ng kalat-kalat na ulan na kulog at pagkidlat. Bukas ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang LPA. Inaasahang lalakas ito paglabas ng…
Read MoreTag: LPA
AMIHAN SEASON SIMULA NA — PAGASA
(NI DAHLIA S. ANIN) OPISYAL nang nagsimula ang tag-lamig o panahon ng Amihan/Northeast Monsoon sa bansa, ayon sa Pagasa. “Sa mga darating na Lingggo at buwan ay posibleng makakaranas na tayo ng mas malamig na temperatura, mga mahihinang pag-ulan pero hindi parin natin niru-rule out ang posibilidad ng bagyo sa Nobyembre at Disyembre,” ayon kay Pagasa weather Specialist Chris Perez sa isang panayam. Hindi pa tiyak ng ahensya kung kailan dadako sa Metro Manila ang Amihan. “Una pong mararanasan muna natin yung colder early morning temperatures dito sa may bandang…
Read More2 LPA, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON, VISAYAS
(NI DAHLIA S. ANIN) MAHINA hanggang malakas na ulan ang dala ng dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas. Sa tala ng Pagasa, huling namataan ang mga LPA sa layong 715 kilometro Silangan ng Basco, Batanes at 130 kilometro Kanluran TimogKanluran ng Iba, Zambales. Hinahatak ng mga ito ang southwest monsoon o hanging habagat. Asahan ang maulang panahon sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at probinsya ng Mindoro. Habang makakaranas naman ng…
Read More2 LPA, 1 BAGYO SA LABAS NG PAR NAGPAPALAKAS SA HABAGAT
(NI ABBY MENDOZA) DALA ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinalalakas ng dalawang Low Pressure Area at isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn, una na itong nakalabas ng PAR, humina at naging LPA subalit sa wind forecast ahensya ay inaasahang babalik ito ng PAR sa loob ng susunod na 48 oras. Ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales, mababa ang tsansa…
Read MorePAG-ULAN DULOT NG PAPALAPIT NA LPA
(NI KIKO CUETO) PATULOY na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang malaking bahagi ng Luzon, habang papalapit ang isang low pressure area sa bansa. Kabilang sa mga makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, at Central Luzon regions maging ang Rizal province. Sinabi ni Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na dapat maging maingat pa rin ngayon, lalo na sa northern Luzon, dahil sa mga pagbaha. Posibleng namang maging ganap na bagyo ang low pressure area na tatawaging ‘Marilyn’. Ito ang magiging ika-13 bagyo na…
Read More2 SAMA NG PANAHON MINOMONITOR NG PAGASA
(NI KIKO CUETO) DALAWANG sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao. Ang isa ay namataan 240 kilometers east ng Aparri, Cagayan, ayon kay weather specialist Gener Quitlong. Posibleng maging isa itong bagyo bago tuluyang umalis ng Philippine area of responsibility (PAR). Sinabi pa ni Quitlong na ang isa pang LPA ay namataan 955 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur. Ngayong Sabado ito pumasok ng PAR. Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley,…
Read MoreBAGYONG ‘JENNY’ POSIBLENG MABUO SA LOOB NG 36-ORAS
ISANG bagong bagyo ang lumalapit sa bansa kapalit ng umalis na si ‘Ineng’ at inaasahang mabubuo sa susunod na 36-oras. Namataan ang low pressure area sa 770 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar, ayon kay Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin. Inaasahang babagsak ito sa northern Luzon. Bubuhos pa rin ang ulan bunsod ng habagat sa Mimaropa, Bicol, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula, dagdag pa ni Pagasa weather forecaster Meno Mendoza. Ang Metro Manila at iba pang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may localized thunderstorms sa…
Read More‘INENG’ LUMABAS NA; BAGONG LPA NASA LUZON
(NI DAHLIA S. ANIN) NAKALABAS na sa Philippine Area of Reaponsibility (PAR) ang Bagyong Ineng na may International name na Bailu, pasado alas-6:00 ng gabi noong Sabado, ayon sa weather bureau Pagasa. Gayunman, patuloy na mararanasan ang maulap at maulang panahon sa Kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o Hanging Habagat. Kabilang dito ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, CAR, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA, na makakaranas din ng thunderstorms. Huling namataan ang Bagyong Ineng, sa layong 500 kilometro Kanluran-HilagangKanluran ng Basco Batanes na patuloy…
Read MoreLPA SA LOOB NG BANSA HINDI MAGIGING BAGYO–PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG low-pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa ang nagdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Visayas subalit hindi ito magiging ganap na bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Atronomical Services Administration(Pagasa) maliit ang tiyansang maging bagyo ng LPA na huling namataan 975 km east ng Catarman, Northern Samar. Sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na ang buntot ng LPA ang naghahatid ng pag-uulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur habang ang hanging habagat ang nakaaapekto sa…
Read More