PRESYO NG BEEP CARDS TUMAAS NG P10

(NI KIKO CUETO) TUMAAS na ang presyo ng mga Beep Cards na ginagamit sa mga tren sa Metro Manila. Simula Enero 1, tumaas na sa P30 ang Beep Cards mula sa P20. Ito’y kasunod ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation at AF Payments Inc, ayon na rin sa LRTA na siyang nagpapatakbo ng LRT 1. Isang joint venture sa pagitan ng Metro Pacific at ng Ayala Corp na AF Payments ang nag-ooperate ng Beep system sa MRT 3 at LRT Lines 1 at 2. Una itong ipinatupad…

Read More

LRT-1 NAGKA-ABERYA

lrt12

(NI KEVIN COLLANTES) ILANG minutong aberya ang dinanas ng isang tren ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) sa area ng Maynila, sa kasagsagan pa naman ng rush hour sa unang araw ng muling pagbubukas ng klase para sa School Year 2019-2020, nitong Lunes. Sa inisyung advisory ng pamunuan ng LRT-1, natukoy na isang tren nito ang nagkaaberya sa southbound ng Pedro Gil station, kaya’t napilitan silang magpatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren dakong alas-7:59 ng umaga. Makalipas ang ilang minuto ay pansamantala na ring…

Read More

KONSTRUKSIYON NG LRT 1 TULOY NA SA ABRIL

lrt12

(NI DAVE MEDINA) NAISAAYOS na ang mga isyu sa right-of-way (ROW) kaya tuluy na tuloy na ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) extension project na magsisimula sa Baclaran, Paranaque City patungo ng  Bacoor, Cavite simula sa Abril. Sa panayam kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, tiniyak ng opisyal na naayos na nila ang ilang isyu na naging hadlang sa pagpapatuloy ng LRT Line 1 extension project. “Ito pong Abril na ito, sa wakas mauumpisahan na po natin ‘yung tinatawag nating actual works doon po…

Read More