(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes Santo na nasa 60 porsiyento nang tapos ang konstruksiyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) extension project ng pamahalaan. Ang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang ‘ceremonial track laying’ at installation ng Electro Mechanical System (EMS) sa Emerald Station sa Marikina City. Ayon pa kay Tugade, target nilang sa taong 2020 ay mapakinabangan na ng mga residente ng Marikina at Antipolo City ang naturang panibagong railway project. Aniya, sa pamamagitan ng naturang extension…
Read More