(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Deparment of Health (DOH) na pag-aralan ang natuklasan ng Malaysia na bacteria na pangkontra sa dengue. Kasabay nito, pinarerebyu ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang National Dengue Prevention & Control Program matapos umabot sa 402, 694 ang naitalang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre 16 na mas mataas ng 209,335 kumpara sa naitala noong 2018. “We understand that Malaysia has brought in the Wolbachia bacteria, which retards the dengue virus in the Aedes mosquito, and lessens the risk…
Read MoreTag: malaysia
DEFENDING CHAMP MALAYSIA NA-UPSET NG PH POLO TEAM
(NI ANN ENCARNACION) NANATILING buhay ang tsansa ng Philippine polo team na makapagsukbit ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games makaraang talunin ang defending champ Malaysia, Martes ng gabi sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas. Sinorpresa ng national team ang ranked No. 1 na Malaysia nang magtala ng 8.5-4 panalo para pahigpitin ang labanan sa isa sa pinakamatagal na sports sa mundo at kinikilalang sports ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Ipagpapatuloy ng ating pambansang koponan sa water polo, floorball at polo ngayong araw ang kampanya…
Read MoreDFA AAYUDA SA PINAY NA NASA DEATH ROW SA MALAYSIA
INAALAM ngayon ng Department of Foriegn Affairs (DFA) ang napaulat na isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang umano’y nakahanay sa parusang bitay dahil sa kasong may kinalaman umano sa drug trafficking. Ayon sa DFA patuloy na nakikipag ugnayan sila sa mga awroridad ng Malaysia upang alamin ang kasong kinakaharap ng Pinay na pansamantalang hindi muna pinangalanan. Gayunman, sinabi ng DFA na sakaling may mga ebidensyang makapagpapatunay na sangkot ang nasabing Pinay sa drug trafficking ay kanila pa rin tutulungan ng gobyerno. Ngunit hayaan gumulong ang batas na ipinatutupad sa…
Read MoreP12-M SMUGGLED NA BIGAS, NASABAT NG NAVY SA BASILAN
(NI NICK ECHEVARRIA) NASABAT ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem) ng Philippine Navy ang isang shipment ng smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P12 milyon sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan. Sa ulat ni Navforwem commander Rear Admiral Erick Kagaoan nitong Sabado, naispatan ng mga tauhan ng Naval Special Operation Unit 6 (NAVSOU6) sa ilalim ng Naval Tak Force 61, habang nagsasagawa ng maritime security patrol ang wooden-hulled, Indah Jehan sa Lampinigan Island sa Basilan, nitong Biyernes. Nabatid na walang maipakitang kaukulang mga dokumento ng importasyon ang 10 crew ng barko…
Read More9 BIHAG WALANG PANG-RANSOM PINALAYA NG SAYYAF
(NI JESSE KABEL) DAHIL walang makukuhang ransom, pinawalan ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf ang siyam na mangingisdang Badjao na kanilang dinukot sa karagatang sakop ng Sabah, Malaysia noong Hunyo 18. Ito ang ulat na nakalap ng military at kapulisan nitong Sabado, kaugnay sa pagpapalaya sa mga katutubong Badjao nitong Biyernes ng gabi sa isang lugar sa Talipao, Sulu . Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Talipao police chief P/ Maj. Napoleon Lango, natiyempuhan ng kanyang mga tauhan ang siyam na kalalakihan sa Baragay Kahawa Village kung saan hinihinalang inabandona ng ASG…
Read MorePINOY ASG, 5 ISIS NA ASYANO NASAKOTE SA MALAYSIA
(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa. Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police. Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country. Ang 21-anyos na terorista ay…
Read More