(NI NICK ECHEVARRIA) PERSONAL na isinuko ni out-going Datu Abdulah Sangki mayor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at incoming Maguindanao governor ang 27 matataas na uri ng mga ilegal na armas mula sa mga sibilyan sa kanilang bayan sa militar nitong Sabado. Kabilang sa mga nai-turn over na mga armas ang (1) 60-mm mortar launcher na may isang projectile ammunition, (14) na piraso 12-gauge shotguns, (2) .50-caliber sniper rifles, (2) M-79 grenade launchers, (1) Uzi machine pistol, (1) Thompson submachine gun, (1) Carbine rifle, (2) rocket-propelled grenade launchers, (2) Ingram machine pistols, (1) M203 tube launcher at iba’t ibang magazines. Malugod namang tinanggap nina Army Col. Efren Baluyot, 1st Mechanized Infantry Brigade commander at Lt. Col. Alvin Iyog ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ang nabanggit…
Read More