DELIVERY VAN NASALISIHAN

DALAWANG kahon ng lotion na aabot sa halagang P17,000, ang natangay ng hindi kilalang kawatan makaraang masalisihan ang driver ng delivery van sa harap ng isang drug store sa Sta. Ana, Manila nitong Martes ng umaga. Batay sa inihaing reklamo ni Orlando Marbella, 29-anyos, empleyado ng DVP Logistic Services, sa Manila Police District-Police Station 6, bandang alas-9:46 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harap ng Mercury Drug Store sa #1909 Augusto Francisco St., Brgy. 791, Zone 86, Sta. Ana. Napag-alaman, nahagip ng CCTV ang suspek na tinatayang 40-anyos ang…

Read More

TIRADOR NG KABLE TIMBOG

TINANGKANG nakawin ng isang 24-anyos na tambay ang mga kable ng kuryente sa Harrison Plaza mall sa Apolinario Mabini St., Malate, Manila nitong Martes ng gabi. Sinampahan ng kasong theft ang suspek na kinilalang si Renato Cayubit, ng MTPB Impounding Area, A. Mabini St., Malate. Ayon sa ulat ng Manila Police District-Malate Police Station 9, naaktuhan ang suspek habang pinuputol ang mga kable ng kuryente sa roof deck ng mall. Bunsod nito, inaresto ang suspek ni Al-Naguib Alpasain, security guard ng Shopwise Supermarket sa Harrison Plaza mall. Nabawi mula sa…

Read More

SOTTO: MANILA REPRESENTASYON NG PILIPINAS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MISTULANG pinasaringan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III  ang mga kumukwestyon sa pagpili ng kanta sa opening ceremony ng SEA Games, noong Sabado ng gabi. Ipinaalala ni Sotto na ang Manila ay representasyon ng Pilipinas at hindi lamang dapat ituring na isang bahagi. “Inclusion yung sinasabi ng iba e. Hindi, its representation. Manila represents the entire country  anywhere you go in the world. Pag sinabing Manila, alam na nilang Pilipinas yun,” saad ni Sotto. Kasabay nito, kinatigan pa ni Sotto ang musical directo at mga taong nasa…

Read More

CURFEW SA KABATAAN ‘DI EPEKTIBO – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI mawawala ang krimen sa mga lansangan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng curfew sa mga bataan maliban lamang kung ipatupad ito sa mga matatanda. Ito ang opinyon ni Albay Rep. Joey Salceda sa gitna ng pagpapatupad ng Manila City government ng kanilang ordinansa sa curvey sa mga kabataan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. “Youth curfew doesn’t work, adult curfew is needed to lessen crimes,” pahayag Salceda kasabay ng paglalatag ng mga pag-aaral bilang ebidensya na hindi epektibo ang curfew sa mga kabataan para mabawasan…

Read More

JOHN LLOYD NAISPATAN SA EROPLANO PABALIK NG MANILA

jlc66

SA Instagram account na @mychosdotcom noong Biyernes, ipinoste ang larawan ni John Lloyd Cruz habang ito’y nagbo-board sa isang eroplano mula Palawan pabalik ng Manila. May caption ito na, “Whoa! Look who’s spotted in a flight from Palawan to Manila! Sign din kaya ito ng isa na namang “pagbabalik”? Mapapansin na mag-isa lamang ang aktor sa larawan. Ipinoste ito sa kasagsagan ng mga haka-hakang naghiwalay na sila ng partner na si Ellen Adarna dahil hindi na raw ma-“take” ni Ellen ang pagka-weirdo ni John Lloyd. Makikita rin sa larawan na…

Read More

MEGA TRAFFIC NARANASAN SA MAYNILA, PPA NAG-SORRY

trucks55

(NI DAHLIA S. ANIN) MABIGAT na daloy ng trapiko ang sumalubong sa mga pangunahing kalsada sa Maynila partikular sa Pier at Roxas Boulevard. Ayon sa pahayag ng Philippine Ports Authority (PPA) General Manager na si Jay Santiago, naging masikip ang mga pier dahil sa stop and go na operasyon nito dahil sa sama ng panahon na dala ng Habagat at Bagyong Hanna. “Hindi naman po walang operations. Ang nangyayari dyan, ang pier natin 24-oras ang operations niyan. Ang nagiging problema lang po natin, dahil makikita naman natin na masama ang…

Read More

TASK FORCE MANILA BAY ITINATAG NG PALASYO

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ) SA pagnanais na mapablis ang rehabilitasyon, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magtulungan sa paglilinis ng Manila Bay. Noong Pebrero 19, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang administrative order 16 na pagbuo ng Manila Bay Task Force na tututok sa agarang pagsasaayos sa Manila Bay. Inatasan ng Pangulo ang TF na maglatag ng comprehensive plan para sa relokasyon ng mga informal settler na nakatira sa paligid ng Manila Bay. Si Environment Secretary Roy Cimatu ang tatayong chair…

Read More

MASS VACCINATION VS TIGDAS INUMPISAHAN

turok1

(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN ng Philippine Red Cross (PRC), Sabado ng umaga, ang pagdaraos ng inilunsad na mass vaccination drive sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PRC chair Senador Richard Gordon, sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang. Paliwanag ni Gordon, una silang nagsagawa nang pagbabakuna sa Maynila dahil ito ang itinuturing na hotspot ng outbreak. Plano rin aniya nilang gawin na ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na…

Read More

SINLAKI NG MANILA, QC TATABUNAN SA MANILA BAY

manila 14

(NI BERNARD TAGUINOD) KASING-LAKI ng pinagsamang land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tatabunan sa Manila Bay kapag natuloy ang 22 reclamation projects sa nasabing karagatan. Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na walang pakinabang ang mga mahihirap sa reclamation projects na ito bagkus ay mabibiktima ang mga ito lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad malapit sa Manila Bay. “Imagine, the area to be reclaimed in as huge as the entire Quezon City and Manila combined. And this is not to…

Read More