(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Christopher Lawrence Go na hintayin ng taumbayan ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kontrata ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water. Aniya, kailangang malaman ng publiko kung nagmalabis ang naturang mga water concessionaires upang mahabol at papanagutin. Sinabi ni Go na iniutos na ni Pangulong Duterte sa DOJ na hanapin ang mga kuwestiyunableng probisyon sa concession agreement ng dalawang water company sa gobyerno na hindi pabor sa taumbayan. Ayon kay Go, interesado ang Pangulo na malaman kung bakit nagkaroon…
Read More