(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na pagbabakuna ng Department of Health (DoH) laban sa tigdas, inasahan na ang pagtanggal sa tigdas outbreak alert sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa habang patuloy pa rin ang isinasagawang routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna para makumpleto na ito. Matatandang tumaas ang porsyento ng namamatay at kasong naitala…
Read MoreTag: MEASLES OUTBREAK
NAMATAY SA DENGUE NASA 140 NA — DoH
HINDI pa man natatapos ang problema ng Department of Health (DoH) sa epidemya ng tigdas, kaso naman ng dengue ang tinututukan ngayon ng kagawaran. Higit 30,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa DoH at mula sa inilabas na datos ng Epidemiology Bureau simula Enero 1 hanggang Pebrero 23, tinatayang 36,664 na ang bilang ng dengue cases sa bansa at 140 na namatay. Nababahala naman ang DoH dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Mas mataas umano ito ng 14,703 kung ikukumpara sa parehong…
Read MoreNAMATAY SA TIGDAS PUMALO NA SA 215 — DOH
UMAABOT na sa 215 ang namatay sa tigdas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Dahil dito, hindi tumitigil ang kagawaran sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para makaiwas sa sakit. Sinabi ni Duque na bukod sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at malusog na pamumuhay, ang pagpapabakuna ay isang mabisang paraan para makaiwas sa sakit. Tiniyak nito sa publiko na ligtas ang measles vaccine at iba umano ito sa Dengvaxia na bakuna laban sa dengue. Kasabay nito, ikinatuwa ng kalihim ang pag-absuwelto sa kanya ng…
Read MoreHIGIT 6K BATA NAPABAKUNAHAN NA NG RED CROSS
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Philippine Red Cross (PRC) na umaabot na sa mahigit 6,000 bata ang napagkalooban nila ng bakuna laban sa tigdas, sa ilalim ng kanilang inilunsad na vaccination drive. Ayon sa PRC, na pinamumunuan ni Chairman at Senador Richard Gordon, layunin ng kanilang vaccination drive na mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa tigdas, lalo na at mataas pa rin ang banta ng sakit, kasunod na rin ng deklarasyon ng outbreak sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila. Simula aniya nang ilunsad nila ang…
Read MoreKASO NG TIGDAS SA CALABARZON TUMATAAS
(NI SIGFRED ADSUARA) PATULOY na tumaas ang bilang ng kaso ng tigdas habang pumalo na sa 55 ang bilang ng mga namamatay sa CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ), hanggang kahapon, February 17, 2019. Sa bagong ipinalabas na Meassles quick count ng DOH-CALABARZON, simumula alas-8:00 Linggo ng umaga, umakyat na sa 2, 328 ang bilang ng kaso ng tigdas kung saan 55 dito ang naiulat na namatay. Sa datos, ang Rizal ang nakapagtala ng pinakamataas na namatay sa tigdas na mayroon 40 sa 1,268 na kaso; sumunod ang Cavite…
Read MoreMASS VACCINATION VS TIGDAS INUMPISAHAN
(NI KEVIN COLLANTES) SINIMULAN ng Philippine Red Cross (PRC), Sabado ng umaga, ang pagdaraos ng inilunsad na mass vaccination drive sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PRC chair Senador Richard Gordon, sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang. Paliwanag ni Gordon, una silang nagsagawa nang pagbabakuna sa Maynila dahil ito ang itinuturing na hotspot ng outbreak. Plano rin aniya nilang gawin na ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na…
Read MoreNDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS
(NI BETH JULIAN) TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas. Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan. Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas. “Hindi…
Read MoreULO NI ACOSTA HININGI NA SA 70 CASUALTIES SA TIGDAS
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS pumalo sa 70 ang namatay sa tigdas sa mahigit isang buwan lamang, nararapat na mag-resign na lamang si Public Attorney’s Offce (PAO) Chief Persida Acosta dahil malaki umano ang kasalanan nito kung bakit natakot ang mga tao na magpabakuna. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hindi puwedeng maghugas kamay si Acosta sa Measles outbreak na ikinamatay ng 70 biktima dahil kung hindi aniya ito nagpanggap na medical expert ay hindi nawala ang tiwala ang publiko sa bakuna. “Resign,” panawagan ni Villarin kay Acosta sa gitna…
Read MorePASYENTE NG TIGDAS DAGSA SA TARLAC HOSPITAL
(NI KIKO CUETO) PATULOY na nadaragdagan ang bilang mga pasyente na itinatakbo sa Tarlac Provincial Hospital sa Tarlac City nang dahil sa tigdas. Naunang isinama ang outbreak o pagtaas ng bilang ng mga kaso ng naturang sakit sa Central Luzon at iba pang rehiyon sa bansa. Sa pinakahuling ulit, umabot sa 22 ang dagdag na kaso nitong weekend dahil umabot umano sa anim hanggang walong pasyente kada araw ang dinadala sa ospital dahil sa tigdas. Kabilang sa mga nagsugod ng anak si Joy Lim. Kwento niya, hindi raw niya napabakunahan…
Read More