PHILHEALTH KAAGAPAY VS MEASLES

philhealth10

GINARANTIYAHAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na tutulong ang ahensiya sa pasyenteng mako-confine dahil sa tigdas. Ito ay sa harap ng deklarasyon ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon at iba pang panig ng bansa. Sinabi ng PhilHealth na ang coverage sa tigdas ay aabot mula P7,700 hanggang P25,700. Kung walang kumplikasyon, P7,700 ang maaaring itulong ng ahensiya habang ang tigdas na may kumplikasyon ng pneumonia ay aabot ng hanggang P15,000. Ang confinement dahil sa tigdas na ang kumplikasyon ay meningitis ay matutugunan ng hanggang P25,700.…

Read More

IMMUNIZATION SA MGA BATA GAWING MANDATORY — DOH

tigdas8

PINAG-AARALAN ng Deparment of Health ang posibilidad na gawing mandatory ang immunization sa mga bata kasunod ng deklarasyon ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa. “Pinag-aaralan na natin ang ibang mga bansa na kung saan mayroong mandatory immunization na ang mga magulang dapat dalhin talaga nila ang mga anak nila sa mga health centers,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Idinagdag pa ni Duque na mayroong executive order noong 2007 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nag-uutos na magkaroon ng kumpletong bakuna sa mga bata…

Read More

MAYORS, BGY CAPTAINS, PINAKIKILOS SA MEASLES OUTBREAK

tigdas8

(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY EDD CASTRO) INATASAN ng Department of the Interior and Local government (DILG) ang lahat ng alkalde at barangay captain na himukin ang mamamayan sa kanilang lugar na pabakunahan ang kanilang mga anak sa harap ng kinakaharap na measles outbreak sa bansa. Ito ay matapos na magdeklara ang Department of Health ng measles o tigdas outbreak sa Metro Manila sanhi ng pagdami ng mga taong tinatamaan nito. Ayon kay Ano, lubha ng nakakaalarma ang paglobo ng mga batang ngakakasakit ng tigdas dahil sa takot na magpabakuna matapos…

Read More