NAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M

votebuying14

(NI JG TUMBADO) UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon. Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame. Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad. Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot…

Read More

POWER INTERRUPTION SA BOTOHAN AALAMIN NG DoE

doe

(NI ROSE PULGAR) NATUPAD ng Department of Energy (DoE) ang pangako na walang magaganap na brownout sa araw ng halalan 2019. Sa ginanap na Post Election Assessment ng DOE, sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na naging sapat ang suplay ng kuryente noong Lunes (Mayo 13) araw ng botohan. Sinabi ni Fuentebella, nasa normal status noong araw ng eleksyon na ibig sabihin, ang capacity o ang available na megawatts ay sobra-sobra para sa demand o reserve. Aniya, kuntento sila sa performance ng energy family, pero sisiyasatin umano nila ang rason…

Read More

GENERALLY PEACEFUL

comelec pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA) NAGING  maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang idinaos na 2019 midterm election  sa  Metro Manila, ayon sa assessment ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Sinabi ni Eleazar na pinatunayan ng naganap na peaceful election ang mahaba at matiyaga nilang preparasyon at koordinasyon sa mga concerned agencies ng pamahalaan para lamang matiyak ang positibong resulta ng katatapos na eleksyon. “No untoward incident reporterd and it’s peaceful so far. I think it is because of our coordination with the Commission on Elections (Comelec) and…

Read More

2,000 STAFF, VOLUNTEERS NG RED CROSS READY NA

redcross12

(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng Philippine Red Cross (PRC) na handang-handa na rin sila na magkaloob ng kaukulang tulong sakaling magkaroon ng mga emergency sa pagdaraos ng midterm elections sa bansa sa Lunes, Mayo 13. Katuwang ang Commission on Elections (Comelec), nabatid na magtatayo ang PRC ng may 310 first aid stations at 158 welfare desks, at magpapakalat ng may 150 ambulansiya at 42 emergency vehicles sa mga istratehikong mga lugar. May 2,000 staff at volunteers din aniya silang nakaantabay sa buong bansa upang tumulong sa mga taong mangangailangan nito.…

Read More

HIGIT 1-K POLL HOTSPOTS NAITALA NG COMELEC

COMELEC12

UMABOT na sa 1,196 ang itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na election hotspots kung saan nadagdagan pa tatlong araw bago ang eleksiyon sa Lunes. Sinabi ng Comelec na ang bagong listahan ay sumasaklaw sa National Capital Region, Luzon at Visayas at inirekomenda ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel base sa official report mula sa lahat ng regional joint security control centers. Ang lahat ng lugar sa Mindanao ay nauna nang inilagay sa ilalim ng election hotpots bilang category red (areas of grave concern). Kabilang sa…

Read More

DFA SARADO SA LUNES

dfa123

(NI ROSE PULGAR) INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA)  Office of Consular Affairs na sarado ang lahat ng kanilang mga opisina sa buong bansa sa darating na Lunes ( Mayo 13) sa araw ng  halalan  2019. Sa pahayag ng DFA, inaabisuhan nito na sarado ang kanilang opisina sa Aseana Business Park at lahat ng DFA Consular Offices sa araw ng eleksyon. Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 719, na inilabas noong Mayo 9, ng Executive Secretary, na nagdedeklara sa Mayo 13 bilang isang special non-working holiday sa buong kapuluan…

Read More

43-ORAS LIQUOR BAN IPATUTUPAD NG PNP

ban12

(NI JG TUMBADO) IPATUTUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang 48-oras na liquor ban bago ang May 13 midterm elections. Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon. Magsisimula ang implementasyon nito bandang alas 12:01, Linggo ng madaling-araw (May 12) hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling-araw (May 13). Magiging mahigpit aniya ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakalalasing. Bahagi aniya ito ng inihandang seguridad ng PNP para sa eleksiyon.…

Read More

MERALCO HANDA NA SA HALALAN SA LUNES

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES) HANDANG-HANDA na ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) para sa pagdaraos ng midterm elections sa Lunes, Mayo 13, ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco. Ayon kay Zaldarriaga, lahat ng isyu hinggil sa suplay ng kuryente na maaaring kaharapin sa araw ng halalan ay tinugunan na nila. Paniniguro nya, may 150 generator sets na silang nakaantabay at dadalhin ng mga roving crews at kaagad na maide-deliber sa mga polling at canvassing areas na posibleng mangailangan nito. Mayroon na rin aniya silang 300 floodlights na nakahanda para…

Read More

RED TEAMS NG PNP-CITF, IPINAKALAT SA VIP SECURITY

pnp120

(NI NICK ECHEVARRIA) SINIMULAN nang ipakalat ng Philippine National Police (PNP) ang red teams mula sa Counter Intelligence Task Force (CITF) para bantayan ang mga kandidato at kanilang mga security na hindi lalabag sa mga alituntunin ng eleksiyon. Partikular na babantayan ng red teams ng CITF ang security escorts ng mga politiko at mga pulis na nakatalaga bilang mga VIP protectors para tiyakin na hindi lalabag ang mga ito sa election gun ban. Muling ipinaalala ni PNP Chief General Oscar Albayalde na kailangang may permiso ng PNP ang mga ang…

Read More