3,000 NA HULI SA CHECKPOINT, 32 PULIS KASAMA SA MGA VIOLATORS

CHECKPOINT by KIER CRUZ.jpg

(NI JESSE KABEL) NASA mahigit 3,000 katao na ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang panig ng bansa mula nang magpatupad ng PNP-AFP COMELEC checkpoint kaugnay sa nakatakdang May 2019 midterm election. Ayon kay PNP spokesperson P/Lt Col Bernard Banac, ang nasabing bilang ay naitala simula nang magpatupad ng checkpoint operations. Nabatid na kabilang sa may 3,000 violators ang 32 kasapi mismo ng PNP. Sa datos na hawak ng PNP, umaabot sa 350,663 checkpoint operations ang ikinasa ng PNP sa buong bansa. Nasa 3,105 katao naman ang…

Read More

ENERGY POWER KAILANGANG SAPAT SA ELEKSYON — COMELEC

comelec

IBINUNYAG ng Commission on Elections (Comelec) na bahagi ng kanilang prayoridad ang pagtiyak ng sapat na kuryente sa May midterm elections gayundin sa pag-iingat sa mga sensitibong impormasyon ng bawat botante sa kanilang mga boto. Kasabay nito, nakikipagpulong ang Comelec sa energy at power providers para talakayin ang mga plano kontra sa banta ng  ‘leakage’. Naniniwala si Comelec spokesperson James Jimenez na malaki ang papel na gagampanan ng power providers sa mismong araw ng eleksiyon kaya’t nararapat lamang na matiyak na sapat ang reserba nito. Nais din umanong malaman ng…

Read More

CONSUMERS BUBUWELTA SA KANDIDATO NI DUTERTE

oil

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY EDD CASTRO) GAGANTI ang mga botante sa mga senatorial candidate ng administrasyon kapag walang ginawa si Pangulong Rodrigo Duterte para mapigil ang sunod-sunod na oil price increase na tiyak na magkakaroon ng domino effect sa mga pangunahing bilihin. Ginawa ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang babala matapos muling pagpatupad ng big tim oil price increase ang mga kumpanya ng langis na inaasahang makakaapekto umano sa presyo ng mga pangunahing bilihin na kapag nangyari ay tiyak na gaganti ang mga consumers. “Domino price surges should make…

Read More

POLL MATERIALS BAWAL SA LRT, MRT

mrt20

(NI HARVEY PEREZ) BAWAL ang mga kandidato na tatakbo sa midterm elections sa Mayo 13 na magpaskil ng mga campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at maging sa iba pang government transport facilities . Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga government-run infrastructure, gaya ng LRT at Metro Rail Transit Line 2. Nabatid na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na bawal gamitin ang mga government resources sa pangangampanya. Ayon kay Jimenez, makikipag-ugnayan…

Read More

349 LGU’s SUMUSUPORTA SA CPP-NPA; PRICELIST INILABAS

npa

(NI JESSE KABEL) TINUTUTUKAN ng Department of Interior and Local Government ang umanoy 349 local government officials na sinasabing supporter ng Communist Party of the Philippine- New Peoples Army (CPP/NPA). Mismong si  Interior Secretary Eduardo Año ang naghayag na mayroong  mga local government officials ang patuloy na sumusuporta sa CPP-NPA. Sa press conference kaugnay sa security preparation ng AFP-PNPA at Comelec para sa midterm elections, kinumpirma ng kalihim ang 349  local govt officials na  nagbabayad ng ‘permit to win fee’ at ‘permit to campaign fee’ sa CPP-NPA. Sa intel report…

Read More

GLORIA AYAW MAG-ENDORSO NG SENATORIAL CANDIDATE

gma20

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  sinamahan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Pampanga para sa kick-off rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago, wala itong personal na ineendorsong kandidato. Sa ambush interview kay Arroyo, lumalabas na wala itong personal na ineendorsong kandidato dahil ang tanging trabaho umano ng mga ito ay dalhin ang mga ito sa kanilang mga constituent. “Our job is to bring the candidates to our constituents and late them explain themselves,”  ani Arroyo. Dahil kaalyado ng…

Read More

GOV’T OFFICIALS, EMPLOYEES BABANTAYAN NG PACC

pacc

(NI LILIBETH JULIAN) MAGIGING alerto at mapagmatyag ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan para tiyakin na hindi makikisawsaw ang mga ito sa pulitika ngayong nagsimula na ang kampanya para sa 2019 midterm elections. Kasabay nito, nagbabala rin si PACC Chair Dante Jimenez na walang sasantuhin ang kampanya na ipatupad ang kautusan ng Pangulo. Nauna nang sinabi ni Duterte na mananagot ang mga tauhan o opisyal ng pamahalaan na gagamit sa resources o pondo ng gobyerno para sa pangangampanya ng ilang mga kandidato . Sinabi…

Read More

11 PAMBATO NI DU30 PORMAL NANG IPRINOKLAMA

digong14

LABING-ISANG senatorial bets ng administrasyon ang pormal nang iprinoklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pambato sa 2019 senatorial elections sa Brgy. Minuyan, San Jose del Monte City, Bulacan. Kabilang sa mga iniendorso ng Pangulo ang PDP-Laban senatorial slate na sina dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa, Maguindanap Rep. Dong Mangudadatu, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel at dating MMDA Chair Francis Tolentino. Samantala, mga “guest candidates” naman ng partido sina re-electionist Senators Cynthia Villar, JV Ejercito, at Sonny Angara, Taguig Rep. Pia…

Read More

BOTANTE PINAALALAHANAN VS OVERVOTING

comelec

(NI HARVEY PEREZ)   PINAYUHAN ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na iwasan ang ‘overvoting’ para sa mid-term elections sa posibilidad na masayang ang kanilang mga boto. Ayon kay  Comelec Spokesperson James Jimenez,ito ay makaraang mag-endorso ng 13 senatorial candidates ang partidong Hugpong ng Pagbabago. Sinabi ni  Jimenez, sa isang forum sa Maynila, ang overvoting o pagboto ng sobra-sobra sa mga kinakailangang bilang ng elective post ay maaaring magresulta sa stray votes o pagkasayang ng boto, dahil hindi ito bibilangin ng vote counting machine (VCM). Kung 13 ang…

Read More