MMDA MANGUNGUMPISKA NG LISENSIYA; SENADO NANGANGAMBA

poe44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na kabilang sa pinag-aaralan ang panukala na bigyan ng kapangyarihan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na mangumpiska ng lisensya ng mga pasaway na drivers. Gayunman, aminado si Poe na hati ang pananaw ng mga senador sa panukala dahil posible itong maabuso. “Alam mo may binanggit ang MMDA na gusto nila may kapangyarihan silang manguha ng lisensya. Hati ang pananaw ng iba diyan kasi siyempre baka naman kung walang proper training ang enforcers, baka hindi maimplementa ng…

Read More

PRIVATE CAR BAN SA EDSA AYAW ISUKO

edsabus12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinusuko ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang kanyang panukala na i-ban ang mga pribadong sasakyan sa kahabaan ng Edsa sa rush hour upang hindi mahirapan ang mga ordinaryong commuters. Sa pagdinig ng House committee on metro manila development nitong Lunes sa Kamara, naipilit ni Erice sa  Metro Manila Development Authority (MMDA) at inter-agency committee ng  Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang kanyang panukala dahil lahat na ay ginawa aniya ng MMDA para mapaluwag ang Edsa subalit lahat ay pumalpak. “Gusto ko lang mag-comment, yung mga volume-reduction niyo, yung…

Read More

TRANSPORT STRIKE NILANGAW

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi naging matagumpay ang isinagawang nationwide transport strike ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)  upang ipanawagan ang pagpapasuspinde ng jeepney modernization program. Ayon kay MMDA spokesperon Assistant Secretary, Celinne Pialago,  kaunti lamang ang pasaherong na-stranded papasok sa kanilang trabaho sa ibang lugar sa Metro Manila habang ang iba ay hindi naramdaman ang transport strike. Ayon kay Pialago,  ang mga lugar na may mga…

Read More

HALOS 4,000 TONELADANG BASURA NAHAKOT SA MANILA BAY

manila bay

(NI LYSSA VILLAROMAN) NAKAPAGTALA ng mahigit sa 3,810 toneladang basura,water hyacinths at mga burak ang nakolekta ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga baybayin ng Manila Bay simula nang gawin ang rehabilitasyon nito. Ayon sa Manila Bay rehabilitation report ng  MMDA, ang mga nakolekta mula Enero 7 hanggang Agosto 31 ay nasa 2,639 cubic meters / 749.72 toneladang basura mula Manila Baywalk at mga kanal na konektado rito; 2,594.34 cubic meters / 737.12 toneladang basura at water hyacinths na mula sa beach area, lagoon at aplaya ng Baseco beach sa…

Read More

HPG TUTULONG SA MMDA VS TRAFFIC

(NI AMIHAN SABILLO) HANDA ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) na magmando ng daloy ng trapiko katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), bago isabak sa Lunes. Katunayan ay pinulong ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng HPG, ang mahigit 50 sa 100 MMDA enforcer na makakasama nila sa pagsasaayos ng trapiko mula Timog Avenue hanggang Ortigas,  kung saan pupuwesto ang HPG at MMDA sa critical points ng EDSA. Ayon kay Cruz, ang MMDA ang mangangasiwa sa paniniket ng mga pasaway na motorista at HPG naman…

Read More

MMDA KINASTIGO SA P118-B PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECTS

(NI NOEL ABUEL) KINASTIGO ni Senador Bong Revilla ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa hindi paggamit sa P118B pondo na inilaan para sa flood control projects sa bansa na tinukoy ng Commission on Audit (COA). Sa pagdinig ng Senate Hearing on Public Works Wednesday, hindi pinalampas ni Revilla na sitahin ang MMDA dahil sa hindi paggamit sa nasabing pondo sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin ng bansa sa baha. Sa kanyang inihaing Senate Resolution no. 69 nais nitong pakilusin ang Senate committees on public services and finance na…

Read More

PAGBABAWAL NG VAPE SA PAMPUBLIKONG LUGAR, OK SA MMDA

(NI LYSSA VILLAROMAN) SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at vapes sa mga pampublikong lugar na iminumungkahi ng Department of Health (DoH). Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, suportado ng kanyang ahensya ang hakbang ng DOH-Food and Drug Administration na naaayon para sa epektibong regulasyon ng mga Electronic Nicotine and Non-nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) products dahil nakakasama ito sa kalusugan ng tao. “Umaasa akong mahigpit na maipatutupad ang utos bilang suporta na rin sa ating ‘smoke-free environment’ campaign,” ani Lim. Dagdag…

Read More

BAHAGI NG METRO, BINAHA

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY EDD CASTRO, KIER CRUZ) DAHIL sa masamang panahon at bunsod ng tropical storm ng Ineng nakaranas ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng lasangan sa Metro Manila. Bases sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, ilang sa mga Bayan Patrollers ang tumulong na nagbigay ng impormasyon kung saan ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar. Ayon sa MMDA , nagmistulang ilog ang bahagi ng Bayani Road at Cuasay sa Central Signal Village, Taguig City, dakong alas-8:00 ng umaga. Maging sa bahagi ng PNR Buendia (Gil…

Read More

NUMBER CODING SCHEME SUSPENDIDO NGAYON

mmda

(NI ROSE PULGAR) INIANUNSIYO kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayong araw ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde  ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika -36 na kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. Ibig sabihin, dahil sa suspensiyon, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihang digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahin lasangan sa Metro Manila. Bukod sa anunsiyo ng MMDA, nag-abiso rin ang pamahalaang…

Read More