PDUTERTE KINALAMPAG SA PALPAK NA MRT

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) na pagtuunan ang pagpapabuti sa serbisyo ng nasabing transportasyon. Daing ng mga commuter, dapat siyasatin ng Pangulo ang mga nangangasiwa sa MRT upang masiguro na mas magiging epektibo ito at mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aberyang kakambal na ng operasyon nito. Sa tindi ng trapiko sa Metro Manila ay ang mga commuter ang pangunahing napiperhuwisyo kapag nagkakaaberya ang opersayon ng MRT na siyang inaasahan dapat ng publiko sa maalwang sistema ng transportasyon. Subalit, maikling panahon…

Read More

POE, TUGADE INUPAKAN SA PASOSYAL NA MRT; AYUSIN BAGO LUHO – SOLON

mrt3

(NI BERNARD TAGUINOD) “AYUSIN muna natin ang mga tren bago ang luho.” Ito ang mensahe ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng panukala na maglagay ng business class coach sa Metro Rail Transit (MRT)-3 upang maenganyo ang mga may kotse na sumakay dito. Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat tutukan ang DOTr ay tiyakin muna na maayos at maparami pa ang mga tumatakbo tren at siguradong hindi papalya ang operasyn ng MRT-3. Kapag nagawa umano ito ng DOTr, ay saka na ikonsidera ang…

Read More

MANANAKAY NG MRT BUMABA — DOTr

mrt3

(NI MAC CABREROS) “KUMAUNTI  ang tren kaya bumaba ang ridership sa MRT-3.” Ito ang binigyang-diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade. Sa panayam ng media sa paglilipat sa operation at maintenance sa Clark International Airport ng DOTr at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Luzon International Premiere Airport Development (LIPAD) Corporation, binanggit ni Tugade na nabawasan ng tatlong tren ang dating 18  tren na tumatakbo sa MRT. Naiulat na nasilip ng Commission on Audit (COA) na bumaba ng 26 na porsyento ang ridership ng MRT sa loob ng apat na taon kung saan mula 140…

Read More

SOLUSYON SA TRAFFIC, MAAYOS NA PUBLIC TRANSPORT BUBUSAL SA KRITIKO

traffic44

(NI NOEL ABUEL) KUNG masosolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problema sa traffic at mabibigyan ng maayos na public transport system ang mga mamamayan ay tiyak na mapapatahimik ang mga kritiko ng administrasyon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara kung saan naging matagumpay na aniya ang Pangulo sa kanyang pangako na mapigil ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa. Sinabi pa nito na kapayapaan at kaayusan ang naging pangunahing pokus ng unang kalahati ng panunungkulan ng Pangulo. At ngayong nasa huling bahagi na ang Pangulong Duterte ng kanyang…

Read More

POLL MATERIALS BAWAL SA LRT, MRT

mrt20

(NI HARVEY PEREZ) BAWAL ang mga kandidato na tatakbo sa midterm elections sa Mayo 13 na magpaskil ng mga campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at maging sa iba pang government transport facilities . Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga government-run infrastructure, gaya ng LRT at Metro Rail Transit Line 2. Nabatid na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na bawal gamitin ang mga government resources sa pangangampanya. Ayon kay Jimenez, makikipag-ugnayan…

Read More

DIRECT ASSAULT VS TAHO GIRL IAAKYAT NA SA KORTE

taho12

(NI KEVIN COLLANTES) IPINAAAKYAT na ng piskalya sa hukuman ang reklamong isinampa ng isang pulis sa isang Chinese student na nanaboy ng taho sa kanya dahil lamang sa pagbabawal dito na ipasok ang dalang taho sa Boni Station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mandaluyong City, matapos itong makitaan ng probable cause. Sa isang pahinang resolusyon na inilabas ng Mandaluyong City Prosecutor´s Office nitong Pebrero 11, inirekomenda ni City Assistant City Prosecutor Leynard Dumlao ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code o Direct…

Read More

DOTr SUMAGOT SA ‘BASHERS’ NG MRT, LRT

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) HUMIHINGI ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at LRT, hinggil sa ipinatutupad nilang pagbabawal sa pagdadala ng bottled water at iba pang likido sa mga tren. Ipinaliwanag ni DOTr Communications Director Goddess Hope Libiran na ang kanilang paghihigpit ay para rin naman sa kaligtasan ng lahat ng mga pasahero, kaya’t humihingi sila ng pang-unawa sa mga ito. Ayon kay Libiran, hindi na baleng maghigpit sila…

Read More

MRT-3 MULING NAGKAABERYA

MRT-15

(Ni FRANCIS ATALIA) MULI na namang nakaproblema ang motor ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa electrical failure dakong 2:34 ng hapon. Aabot sa 350 pasahero na galing sa northbound ang pinababa sa Ortias station batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr). Matatandaan, kaninang umaga ay nagkaroon din ng electrical failure ang MRT-3 sa southbound train sa Kamuning Station kung saan 75 pasahero ang pinababa. Naialis naman agad ang sirang tren at naisakay sa sumunod na tren ang mga apektadong pasahero makalipas ang ilang minuto. Nagsagawa na ng preventive…

Read More

KALBARYO SA 300K KOMYUTER NG MRT NGAYONG ENERO

MRT-13

(Ni FRANCIS ATALIA) PANIBAGONG kalbaryo na naman ang nakaambang danasin ng halos 300,000 pasahero ng MRT-3 dahil sa tatlong taong rehabilitasyon nito simula ngayong Enero. Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit, limitado lamang sa 15 tren ang bibiyahe araw-araw dahil nasa 72 light rail vehicles ng MRT-3 ang io-overhaul. Popondohan ng  ¥38.1 billion ( P18.76 billion o $362 million) na pautang ng Japan International Coope­ration Agency o  JICA ang rehablitasyon. Kabilang sa mga isasaayos ay ang coaches, mga sira-sira nang ele­vator at escalator sa 13 estasyon ng tren, riles,…

Read More