(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Grace Poe na tutuparin ng Department of Transportation (DOTr) ang nangako nitong matatapos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa taong 2021. Sinabi ni Poe na ang karapatan mg publiko na masigurong ligtas at komportable ang MRT3 sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute lalo na at may malaking pondo na ibinuhos bilang subsidy sa operasyon nito. Sa isinagawang interpelasyon sa hinihinging P147-bilyong budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Poe na inaasahan nito na matutupad ng ahensya ang target na makumpleto…
Read MoreTag: MRT-3
BAGONG RILES NG MRT-3 DUMATING NA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG kahapon ng Departmenf of Transportation (DOTr) na dumating na ang mga riles ng Metro Rail Transit (MRT)- 3 sa PITEX sa Dongalo Paranaque City Huwebes ng gabi. Ayon sa DOTr pasado alas -11:00 ng gabi nang ideliber ng mga trak at inilipat na sa staging area na malapit sa PITX sa Barangay Don Galo, sa nasabing lungsod, ang mga bagong riles ng MRT-3 na galing pa ng Japan. Kaugnay nito, nakatakda nang simulan sa buwan ng Nobyembre ang rehabilitation project ng MRT 3 kasunod ng maagang pagdating ng…
Read MoreDOTr-MRT3 NAG-SORRY SA PALPAK NA SERBISYO
(NI KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG at humingi ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) kasunod na rin nang pagtitigil ng biyahe ng kanilang mga tren nitong Huwebes ng gabi, na nagresulta upang mapilitan silang pababain sa tren at palakarin sa riles ang kanilang mga pasahero. Ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, ‘low power supply’ sa kanilang Overhead Catenary System (OCS) ang dahilan nang pagtitigil ng biyahe, at hindi aniya nila ito kontrolado. “We were very sorry for that. Hindi namin hawak ‘yun dahil…
Read MoreMRT-3 BALIK OPERASYON NA
MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik-operasyon na ang MRT-3. Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of Transportation. Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto. Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation…
Read MoreLALAKI SA PAGPUSLIT NG GRANADA SA MRT KINASUHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY ARCHIE POYAWAN) TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nila ipagwawalambahala lamang ang pagkaka-aresto sa isang lalaki na nahuling nagtatangkang magpuslit ng granada sa loob ng Cubao Station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Sabado ng gabi. Ayon sa DOTr, na pinamumunuan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, seryoso nilang tutugunan ang isyu. Magpapatupad umano sila ng mas mahigpit na seguridad sa mga istasyon ng kanilang tren upang matiyak na walang makakalusot na mga pampasabog at mga ipinagbabawal na bagay, na maaaring magdulot ng…
Read MoreMRT-3 NAGKA-ABERYA, PASAHERO PINABABA
(NI KEVIN COLLANTES) MAY 75 pasahero ang pinababa ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 mula sa isang tren nila na dumanas ng aberya sa area ng Quezon City Linggo ng umaga. Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-6:27 ng umaga nang dumanas ng electrical failure ang southbound train sa Kamuning Station. Sinabi ng DOTr na ang naturang service disruption ay dulot ng mga “worn out electrical sub-components” ng tren, gaya ng insulator, regulator, at main chopper. “A Southbound (SB) train unloaded at Kamuning…
Read More