(NI KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG ang Department of Transportation (DOTr) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang performance ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong 2018. Sa pahayag, sinabi ng DOTr na bumaba ang bilang ng maaasahan at ligtas na tren ng MRT-3 nitong 2018 kaya’t nabawasan rin sila ng ridership at ng kita. “Revenues require ridership, ridership requires trains, and it is unfortunate that the number of reliable and safe trains available to MRT-3 in 2018 went down due to years of neglect, bad maintenance practices, and failure…
Read MoreTag: mrt3
MRT-3 NAGKAABERYA ULIT; HALOS 800 PASAHERO PINABABA
(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) na pababain ang may 780 pasahero nito mula sa kanilang sinasakyang tren dahil sa dinanas na aberya sa area ng Makati City, Martes ng hapon. Batay sa advisory, sinabi ng DOTr-MRT3 na dakong ala-1:01 ng hapon nang tumirik ang tren sa southbound lane ng Ayala Station. Electrical failure na dulot ng mga luma nang electrical sub-components, gaya ng main chopper, regulator, at insulator ang dahilan ng aberya. Kabilang, anila, sa remedial measure na kanilang isinagawa…
Read MoreMRT-3 NAGHIGPIT; 2 HULI SA NAKAW NA KABLE
(NI KEVIN COLLANTES) LALO pang hihigpitan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang ipinatutupad nilang seguridad sa kanilang mga pasilidad, kasunod na rin nang pagkakaaresto ng dalawang lalaki na naaktuhang nagnanakaw ng kanilang mga kable sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City, nitong Huwebes. Nauna rito, dakong 1:37 nang madaling araw ay namataan ng mga security personnel ng MRT-3 ang mga suspek na sina Allan Garcia, 38, ng Mandaluyong City at Jose Llaneta, 43, ng Caloocan City, na may bitbit na sako at mabilis na tumatakas mula sa pillar ng Shaw…
Read MoreBAGONG RILES NG MRT-3 DUMATING NA — DOTr
(NI KEVIN COLLANTES) DUMATING na sa bansa ang buong shipment ng mga bagong riles para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Ito ang masayang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade ngayong Miyerkoles ng umaga. “Talagang good morning! Dumating na sa Pilipinas ang buong shipment ng mga bagong riles para sa DOTr MRT-3!” paabiso pa ng DOTr. Ayon sa ahensiya, dumaong ang barkong lulan ang 4,053 piraso ng riles, na may habang 18 metro bawat isa, sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila, nitong…
Read More60 PASAHERO PINABABA SA MRT
(NI KEVIN COLLANTES) ISANG tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang dumanas ng mechanical failure sa area ng Quezon City nitong Lunes, na nagresulta sa pagpapababa nito ng sakay na 60 pasahero. Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, lumilitaw na dakong alas-8:07 ng umaga nang magbaba ng mga pasahero ang tren sa southbound lane ng Kamuning Station. Depektibo o may kalumaang mechanical components ang itinuturong dahilan ng aberya. Kaagad namang nailipat ang mga pasahero sa kasunod na tren, pagkalipas ng apat na minuto. Humingi rin…
Read MoreBANAT NI POE, SINANGGA NG DOTr
(NI KEVIN COLLANTES) INALMAHAN ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, ang mga akusasyon ni Senador Grace Poe na lumalala ang lagay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang kalatas, naglabas ng paglilinaw ang DOTr at sinabing hindi lumalala at sa halip ay unti-unting humuhusay ang kalagayan ng MRT-3 kumpara sa mga nakalipas na taon. Reaksyon ito ng DOTr, sa ginawang pagkuwestiyon ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, sa aniya’y lumalalang kondisyon ng MRT-3 sa kabila ng mga pagkumpuni sa…
Read MoreMRT-3 ‘DOOR FAILURE’ NAGPABABA SA HIGIT 800 PASAHERO
(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pababain ang kanilang 850 train passengers nang magkaaberya ang sinasakyang tren ng mga ito sa area ng Mandaluyong City, ngayong Miyerkoles ng umaga, sa kasagsagan pa naman ng rush hour. Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, nabatid na alas-6:30 ng umaga nang maganap ang aberya sa northbound lane ng Shaw Boulevard station. Dumanas umano ng ‘door failure’ ang sinasakyang tren ng mga pasahero, kaya’t napilitan silang pababain ang mga ito sa naturang istasyon para na…
Read MoreKAHIT MAY LIBRENG SAKAY; PASAHE SA MRT, LRT, PNR ‘DI ITATAAS
(NI KEVIN COLLANTES) HINDI magpapatupad ang pamahalaan ng taas-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR), sa kabila ng pagbibigay ng mga naturang train lines ng libreng sakay sa mga estudyante, simula sa Lunes, Hulyo 1. Ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kasunod ng mga pangambang maaaring tumaas ang pasahe ng mga naturang rail lines upang mabawi ang kitang mawawala dito, sa gagawing pagbibigay ng free train rides sa mga estudyante. Ayon kay Tugade, malabong mangyari na magpatupad sila…
Read MoreMRT-3 NAKAPERWISYO NA NAMAN
(NI KEVIN COLLANTES) NAKAPERWISYO na naman ang ilang train commuters nang isa na namang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang dumanas ng aberya sa area ng Makati City, nitong Huwebes. Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr), lumilitaw na dakong alas-6:08 ng umaga nang magkaroon ng aberya ang tren sa pagitan ng Guadalupe at Sen. Gil J. Puyat (Buendia) stations. Problemang teknikal ang itinuturong dahilan ng aberya. Inabot naman ng hanggang alas-6:47 ng umaga bago tuluyang naayos ang problema at naibalik sa normal ang operasyon ng…
Read More