(NI BONG PAULO) TULUYAN nang isinara sa mga hikers ang trail sa Davao area para sa pag-akyat sa Mt. Apo. Simula nitong Lunes, April 1 ay pansamantalang sarado ang Mt. Apo para sa mga hikers. Layon nito na maiwasan ang mga posibleng forest fires na magaganap sa taas ng bundok dala ng matinding init ng El Niño. Napag-alaman na nagpalabas ng temporary closure order ang Protected Area Management Board (PAMB) noong March 28 para ipasara ang Sta Cruz Davao del Sur trails na nakasasakop sa Sta. Cruz, Bansalan at Digos.…
Read More