NU TEAMS KAMPEON!

NAIBULSA ng National University ang ikaapat na sunod nitong women’s championship via 6-0 sweep ng UAAP Season 82 Taekwondo Tournament sa Blue Eagle gym kamakalawa. Dinispatsa ng Lady Bulldogs ang pinakamalaking balakid sa final day ng kompetisyon, nang talunin ang University of Santo Tomas, 5-2 at University of the Philippines, 4-3 para kumpletuhin ang perfect season. Nasa kanyang huling taon sa NU, si bantamweight Baby Jessica Cabanal, 2015 Rookie of the Year mula sa Bicol, ang tinanghal na season MVP. “Sobrang saya po kasi sa whole four years na laban,…

Read More