PCSO NAGBIGAY NG P6.5-M AYUDA SA PAMPANGA, ZAMBALES

pcso12

(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kabuuang P6.5 milyon ang halaga ng calamity fund na ipinagkaloob sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales, na pinaka-naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Abril 22. Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, P5 milyon sa naturang kabuuang halaga ang inilaan nila para sa Pampanga, habang P1.5 milyon naman para sa Zambales, upang ipantulong sa mga biktima ng lindol. Sinabi ni Cam na ang naturang calamity fund ay itinakda ng PCSO Board of…

Read More

PINSALA NG LINDOL UMABOT NA SA HIGIT P500-M

lindol12

UMAABOT na sa halos P500 milyon ang pinsalang naidulot ng lindol na tumama sa Luzon, ayon sa disaster agency nitong Linggo. Lumikha ng panic ang 6.5 magnitude na lindol kung saan nagtakbuhang palabas ang mga empleyado bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes. Nawasak din ng lindol ang Clark International Airport at hindi nakapag-operate sa loob ng 48-oras, gayundin ang paggiba sa apat na palapag na gusali ng Chuzon supermarket, isa sa pinakamatinding napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga. Tinataya sa P505.9 milyong halaga ng 334 imprastraktura ang naapektuhan sa Metro…

Read More

PULIS SA KOREAN KIDNAP-SLAY INABSUWELTO

jee12

(NI TERESA TAVARES) TULUYAN nang inabsuwelto ng Pampanga Court ang isa sa mga akusado sa pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo. Sa dalawang-pahinang kautusan na pirmado ni Judge Irenzenaida Buan ng Angeles Regional Trial Court Branch 58, nakasaad na tinatanggal at dapat nang maalis sa restrictive custody ng PNP-Anti Kidnapping Group si SPO4 Roy Villegas dahil nakumpleto na nito ang kanyang mga sinumpaang salaysay. Si Villegas ang tumayong state witness sa kaso at inamin na sangkot sya sa pagkidnap kay Jee sa pag aakala na ito ay…

Read More

PEKENG INSECTICIDE KINUMPISKA

bfad

(NI DAVE MEDINA) DAHIL walang permit mula sa Food and  Drugs Administration (FDA), sinakote ng inspection team ng  Bureau of Customs (BOC) ang bodega/pabrika ng isang fake insecticide  manufacturer sa Block 12, Lots 1-A at 1-B sa Global Aseana Business Park, San Simon, Pampanga. Ayon sa BOC, nabigo ang mga manggagawa na magprisinta ng Certificate of Payment (CP) para sa mga imported na makina at mga raw materials, business permit at permit to operate, para gumawa ng mga pesticides na may pangalang BAOLLIAI. Ang “BAOLILAI”, na isang household insecticide ay…

Read More

AYUDA SA NAPATAY NA OFW SA SAUDI

ofw

NANGAKO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ng ahensiya ang pamilya ng Pinoy worker na napatay sa saksak ng kapwa niya Pilipino sa Saudi Arabia. “Gagawin naming ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya at maiuwi sa bansa ang bangkay ni Monico Basco Manansala, ng Sasmuan, Pampanga,” ayon kay Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto. Ang biktima ay nagtatrabaho bilang subcontractual sa Rimakl Alswahel Co. Hindi pa umano batid ang dahilan ng pagpatay sa biktima at hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng Pinoy na nakapatay dahil…

Read More