MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng Taguig City Police kaugnay sa pagpatay sa mag-live-in partner sa magkahiwalay na lugar sa lungsod nitong Lunes ng madaling araw. Natagpuang patay ang mga biktimang sina alyas Gillian, 25-30 anyos, 5’3 ang taas at balingkinitan ang katawan, at alyas Negro, 30-35 anyos, 5’6 ang taas at maputi, kapwa may mga tama ng bala sa katawan. Base sa imbestigasyon, ala-1:45 ng umaga nang matagpuang nakahandusay sa loob ng bahay sa Purok 10, PNR Site, Western Bicutan, ang katawan ni Negro habang sa kalsada naman natagpuan ang…
Read More