LAKAS NI ‘PERLA’ WALANG EPEKTO SA BANSA

(Ni KEVIN COLLANTES) Lumakas na at tuluyang naging isang severe tropical storm si Bagyong Perla, na may international name na Neoguri, at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour (kph). Sa kabila naman nito, sinabi ng PAGASA na kahit lumakas pa si ‘Perla’ ay wala pa rin naman itong direktahang epekto sa alinmang bahagi ng bansa. Ayon sa weather bureau, makakaranas lamang ng minsang pagsungit ng panahon sa extreme Northern Luzon hanggang sa mga unang araw ng susunod na linggo dahil sa epekto ng pagpasok ng amihan.…

Read More

BAGYONG PERLA WALANG MALAKAS NA EPEKTO SA BANSA

BAGYONG USMAN-2

WALANG malakas na epekto sa bansa ang tropical storm Perla, ayon sa Pagasa sa kanilang huling weather bulletin. Sa kanilang advisory, wala ring naitalagang tropical cyclone wind signal na inisyu sa buong bansa. Gayunman, ang Northeasterly Surface Windflow ay makalilikha ng pabugsu-bugsong hangin sa dulo ng Northern Luzon hanggang sa susunod na lingo. Hiniling din ng Pagasa ang mga residente na patuloy na magmonitor sa mga kaganapan sa bagyo. Patuloy ding binabalaan ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa potensiyal na malalakas na alon…

Read More