AABOT pa rin sa tatlumpung (30) porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng malaking at mapanganib na pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sinabi ni PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum Jr., mayroong namo-monitor na bagong magma sa ilalim ng main crater ng bulkan bagaman wala ng usok at bumababa na rin ang mga naitalang volcanic quakes. Ani Solidum, kahit 30-porsiyento na lang ang tinatawag na probability nang pagsabog, mataas pa rin ang antas ng bantang ito lalo na sa mga nasa loob ng…
Read MoreTag: phivolcs
PHIVOLCS GIGISAHIN
PREROGATIVE at pribilehiyo ng isang mambabatas ang hilingin nito na imbestigahan ang isang usapin ‘in aid of legislation”. Tugon ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa panawagan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga na imbestigahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil hindi umano naipabatid sa publiko ang napipintong pagsabog ng bulkang Taal. Na kay Cong. Barzaga na aniya kung itutuloy nga ito na imbestigahan ang Phivolcs dahil hindi naman maaawat ng Malakanyang ang sinoman na gawin ang gusto nila sabing “that is their call”. Sinabi ni Cong. Barzaga…
Read More‘WAG MAGING KAMPANTE SA PANANAHIMIK NG TAAL – PHIVOLCS
ITO ang babala kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan kaugnay sa pananahimik ng Bulkang Taal. Inihayag ng Philvocs na nagpakita ng bahagyang pagkalma ang nag-aalborotong Bulkang Taal ngunit nanatiling mataas ang posibilidad ng isang malakas na pagsabog kaya nagbabala ang nasabing tanggapan na huwag munang magpabalik ang evacuees. “We are analyzing what this seeming calm of the volcano means,” ani Maria Antonia Bornas, chief science research specialist ng Phivolcs. Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng Philvocs ang mga pahiwatig sa likod nang pagkatuyo ng tubig sa…
Read More5.4 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL
NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs. May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon kay Governor Generoso. Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala. Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao…
Read More4.6 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR
(NI ABBY MENDOZA) ISANG 4.6 magnitude quake ang tumama sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, dalawang araw matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa kalapit na bayan na Matanao, Davao del Sur kung saan 7 ang nasawi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), alas 2:07 ng hapon naramdaman ang lindol na may lalim na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan. May kalakasan ang naramdamang lindol kung saan naitala ang Intensity 5 sa Hagonoy, Davao del Sur; Intensity 4 sa Davao City at Intensity 3 sa Kidapawan City.…
Read More450 AFTERSCHOCKS NAITALA SA DAVAO DEL SUR
(NI ABBY MENDOZA) NASA 450 aftershocks na ang naitala sa Mindanao matapos ang 6.9 magnitude quake na tumama sa Matanao, Davao del Sur at marami pang aftershocks ang maaaring maramdaman sa loob ng susunod na tatlong araw subalit mas magiging mahina na ito. Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) maliban sa aftershocks ay kanilang pinag iingat ang mga residente sa posible pang dagdag na pinsala dahil sa nakakaramdam pa rin ng bahagyag malalakas na aftershocks. Inaalam pa ng Phivolcs kung magkadugtong ang nangyaring lindol noong Oktubre at ang…
Read MorePHIVOLCS NAGLAGAY NG SEISMIC INSTRUMENT SA DAVAO DEL SUR, MT. APO
(NI DONDON DINOY) STA. CRUZ, Davao del Sur –Isang seismic instrument ang inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) sa lugar upang ma-monitor ang pagalaw ng lupa. Ang earthquake monitoring equipment ay inilibing sa compound ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang tingnan ang paggalaw ng lupa sa Davao del Sur at mga karatig na lugar. Inabisuhan din ng PhiVolcs ang mga residente na manatili muna sa mga open space dahil posibleng marami pang mararanasan ng mga aftershocks sa Mindanao. May lalim na isang kilometro…
Read MoreAPP PARA MALAMAN ANG LAKI NG TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS
(NI ABBY MENDOZA) ISANG website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk ang inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya. Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/ Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami. “The website application aims to be the central source of information…
Read MoreTEMPLATE NG MATIBAY NA BAHAY VS LINDOL, HILING SA LGUs, DPWH
(NI ABBY MENDOZA) HINIMOK ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) Director Renato Solidum ang Local Government Units(LGUs) at Departnent of Public Works and Highways (DPWH) na gumawa ng mga template na maaaring gayahin ng mga nagpapagawa ng bahay para masiguro na kakayanin ng itatayong bahay ang malalakas na lindol. Ayon kay Solidum, mahal ang serbisyo ng mga engineer kaya kalimitan, ang mga nagtitipid ay hindi na kumukuha ng engineers sa kanilang pagpapagawa ng bahay kaya ang resulta ay hindi nakasusunodsa Building Code. Ani Solidum, kung nakasunod lamang sa itinatakda…
Read More