(NI NICK ECHEVARRIA) ISINAILALIM sa full alert status ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), Bureau Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa panahon ng Semana Santa bilang paggunita sa Holy Week. Binigyang-diin ni DILG Secretary Eduardo M. Año na dapat walang masasayang na oras sa pagbabantay at dapat ay 24/7 ang trabaho ng PNP, BFP at BJMP sa ilalim ng full alert status para matiyak ang kaligtasan ng publiko. Ayon kay Ano, walang pinipiling oras at panahon…
Read MoreTag: PNP
PNP AMINADO SA KIDNAPPING INCIDENTS SA BANSA
(NI NICK ECHEVARRIA) AMINADO ang Philippine National Police PNP) na may mga kidnapping incident sa bansa lalo na sa bahagi ng Mindanao kung saan nagkukubli ang mga teroristang grupo. Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac kasabay ang pagdiddiin na walang dapat ipangamba ang publiko dahil hindi naman nagpapabaya ang mga kapulisan at militar. Sa katunayan umano ay kontrolado aniya ang peace and order sa bansa dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad. Tinukoy pa ng tagapagsalita ng PNP ang patuloy na pagbaba ng mga…
Read MorePAGREBISA SA KASO VS MAYOR BALDO MALABO NA
(NI NICK ECHEVARRIA) WALA nang magagawa ang Philippine National Police (PNP) para rebisahin ang kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo dahil nakasampa na ito sa korte. Ito ang ipinahayag ni PNP Chief General Oscar Albayalde, aniya hindi na nila ito maaaring panghimasukan at bahala na ang korte na sumuri sa mga ebidensya na isinumite ng pulisya laban kay Baldo. Sinabi pa ni Albayalde na tanging ang hukuman na lamang ang makapagde-desisyon sa kahihinatnan ng kaso ni Baldo na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe. Reaksyon…
Read MoreALBAYALDE: KREDIBILIDAD NG PNP SINISIRA SA FAJARDO KIDNAPPING
(NI NICK ECHEVARRIA) GUSTO lamang i-discredit o wasakin ng mga suspek na dumukot sa negosyanteng si Allan Fajardo, dating aide ng pinaslang na alkalde ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili, ang kredibilidad ng pulisya at militar. Ito ang mariing ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Camp Vicente Lim sa Laguna nitong Biyernes. Ipinaliwanag ni Albayalde na maaaring sinadyang magsuot ng mga vest na kahalintulad ng mga ginagamit ng mga awtoridad sa kanilang operasyon para sirain ang imahe ng PNP, Armed…
Read MoreBILYONG HALAGA NG COCAINE NAKUMPISKA NG PNP SA LOOB NG 2 BUWAN
(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT 200 kilo ng mga naglutangang cocaine mula sa mga territorial waters ng bansa sa Luzon at Mindanao ang narekober na ng pulisya sa nakalipas na dalawang buwan. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Bernard Banac simula noong February hanggang April, umaabot na sa kabuuang 217.3 kilos ang mga nakumpiskang cocaine na may katumbas na halagang P1.1 billion. Ang mga nabanggit na cocaine ay natagpuan sa mga dalampasigan at karagatan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Davao Oriental, Quezon province, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines…
Read MorePANTAPAT SA SPARROW UNIT NG NPA GUSTONG BUUIN NI DU30
(NI BETH JULIAN) DAPAT pag aralan nang todo ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang art of assassination. Ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa layuning matapatan ng pamahalaan ang Sparrow unit ng New People’s Army (NPA). “Hindi dapat magpadehado ang pamahalaan sa rebeldeng grupo. Kung mayroong Sparrow unit ang NPA, dapat mayroon ding Sparrow unit ang pamahalaan,” pahayag ni Duterte. Gusto ng Pangulo na kung ano ang gagawin ng Sparrow unit ng NPA sa pamahalaan ay dapat ganun din ang iganti ng…
Read MorePA MAGPAPASAKLOLO SA ANTI-CYBER CRIME NG PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) BALAK ng Philippine Army na lumapit sa Philippine National Police (PNP) para hingin ang tulong ng Anti-Cybercrime Group nito upang matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng Pinoy Lulszec hacker. Ang Lulszec ang grupong umaangkin sa pangha-hack sa data base ng Philippine Army at pinalalabas na nanakaw nila ang mga mahahalagang impormasyon pang-militar ng nabanggit na hukbo. Ayon naman kay Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, mga unclassified documents lamang ang nakuha ng Lulszec mula sa mga dump files habang inililipat ito sa isang third party…
Read MoreWALANG DEATH THREAT SA PANGULONG DUTERTE – PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binigyang-diin ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac na wala silang natatanggap na anumang “death threat” sa buhay ng Pangulo. Gayunman sinabi ni Banac na bilang pinakamataas na opisyal ng bansa tungkulin ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng Pangulo sa tuwing nagsasalita at bumibisita ito sa harap ng maraming tao bukod pa sa ibinibigay na mahigpit na security ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na siyang pangunahing ahensiya na nangangalaga sa…
Read More‘MAKAKALIWANG’ SOLONS INUPAKAN NI ALBAYALDE
(NI NICK ECHEVARRIA) KINONDENA ni Philippine National Police (PNP) Chief P/General Oscar Albayalde ang mga grupo na patuloy na sumusuporta sa mga kalaban ng estado at sinasamantala ang paggamit sa search warrant operations na ikinamatay 14 na magsasaka sa Negros Oriental bilang propaganda laban sa gobyerno. Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa gitna ng panawagan ng mga makakaliwang mambabatas sa kanyang pagbibitiw sa puwesto kaugnay sa nangyaring insidente. Binigyang-diin ng PNP Chief na pinatutunayan lamang ng mga ito sa publiko kung sino ang mga nasa poder na sumusuporta sa kilusang…
Read More