(NI NICK ECHEVARRIA) INAMIN ni Philippine National Police spokesperson S/Supt. Bernard Banac na wala pang matibay na basehan ang gobyerno para sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong nasa narcolist na isinapubliko ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni Banac ang pag-amin makaraang ireklamo ng administrative case ng Department of Interior and Local government (DILG) ang 46 na mga politiko bago pa man pangalanan ng Presidente. Sa kasalukuyan ay nangangalap pa rin ng matitibay na ebidensya ang PNP na magdidiin sa pagkakadawit ng mga tinaguriang narco politicians sa ilegal na operasyon…
Read MoreTag: PNP
ISANG RAPE KADA ORAS; ANTI-RAPE LAW PALALAKASIN
(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy na pagdami ng mga rape case sa bansa kung saan isang babae o bata ang nagagahasa bawat 72 minuto o higit isang oras sa bansa noong nakaraang taon. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, lumalabas na 20 babae o batang babae ang biktima ng rape kada araw base umano sa crime statistice mismo ng Philippine National Police (PNP). “Despite the Duterte regime’s unrelenting campaign against drugs and criminals, rape statistics in the Philippines…
Read MoreNARCO LIST, SINALA, DUMAAN SA BERIPIKASYON — PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) DUMAAN sa maingat na deliberasyon at beripikasyon ang ilalabas na narco list ng Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ibinatay lamang sa mga sabi-sabi. Ito ang ipinahayag ni Philippine National Police spokesperson P/Col. Bernard Banac na aniya’y pinaghirapan at pinagtulung-tulungang ipunin ng mga personnel ng PNP, PDEA, DILG, DDB at iba pang mga source. Nangako naman ang PNP na tutulong sa paghahain ng mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga personalidad na makakasama sa listahan sa sandaling maisapubliko ang narco list.…
Read MoreP1.13-B GAGASTUSIN NG PNP LABAN SA DROGA
(NI NICK ECHEVARRIA) NAKAHANDANG gumastos ng P1.13 bilyon ang Philippine National Police (PNP) para palakasin ang pagbabantay laban sa mga sindikato na patuloy na nagpapasok ng mga droga sa bansa sa pamamagitan ng mga baybayin. Sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, gagamitin ang nabanggit na halaga sa pagbili ng mga karagdagang patrol boats at helicopter sa ilalim ng capability enhancement program ng PNP para sa epektibong pagpapatrulya sa 36,000 miles coastline ng bansa. Nabatid din mula kay Banac na inaprubahan na ng PNP bids and awards committee ang pagbili…
Read MoreHIGIT SA 5-K NAPATAY SA ANTI-DRUG CAMPAIGN
(NI JG TUMBADO) NASA kabuuang 5,176 na ang bilang ng mga napapaslang simula nang mag umpisa ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte. Sa joint press briefing ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing bilang ay mula July 1, 2016 hanggang Jan. 31, 2019. Nasa 170,689 ang bilang naman ng mga naaarestong drug suspect sa ikinasang 119,841 na anti-illegal drugs operations sa buong kapuluan. Sa nasabing bilang mayroong naarestong 263 na elected officials, 295 na empleyado ng gobyerno, at 69 na uniformed personnel. Samantala, ang…
Read MoreSWS SURVEY SA PULIS SA EJK PINALAGAN NG PALASYO
(CHRISTIAN DALE) PINALAGAN ng Malakanyang ang inilabas na survey ng SWS na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ay naniniwalang sangkot pa rin ang ilang mga pulis sa kalakaran ng iligal na droga, extrajudicial killings at nagtatanim ng ebidensiya sa mga drug suspects. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na sana ay naisama rin sa survey ng SWS ang tungkol sa magaganda namang nagawa ng mga pulis laban sa anti-drug war. Mas mabuti sana, ani Panelo, na nailahad sa survey ang pagkalagas ng 165 pulis bukod sa pagkakasugat ng 575 iba…
Read MoreTASK FORCE COCAINE BUBUUIN NG PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) BINABALAK ng Philippine National Police (PNP) na bumubo ng isang Task Force na tututok sa malalimang imbestigasyon kaugnay sa sunud- sunod na natagpuang mga bloke ng cocaine sa eastern seaboard ng bansa na itinuturing na ngayon bilang national security threat. Ito ang ibinunyag ni PNP spokesperson Ssupt. Bernard Banac, kasabay ng pahayag na nakatuon sa ngayon ang kanilang imbestigasyon sa pinagmumulan ng mga ipinapasok na droga sa bansa gamit ang iisang istilo o pamamaraan. Nauna nang ipinahayag ng PNP na tila dinidiskarga ng mga malalaking barko ang…
Read MoreMAUTE GROUP AKTIBO SA DRUG TRADE; P8.1M SHABU NASAMSAM
(NI JESSE KABEL) PINATUNAYAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na totoo ang akusasyon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na hindi lamang gumagamit kung hindi sangkot sa illegal drug trade ang mga teroristang grupo gaya ng ISIS influenced Maute terror Group. Ito ay makaraang masamsam sa isang counter illegal drug operation ang nasa P8.1 milyong halaga ng shabu sa isang sinasabing kasapi ng Maute-ISIS terror group sa bayan ng Wao sa Lanao Del Sur. Magugunitang sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City ay inihayag ng military na nahihirapan…
Read MorePNP SA NARCO-POLITICIANS: SUMUKO NA LANG KAYO!
(NI NICK ECHEVARRIA) MAKABUBUTING umamin na lamang ang mga narco-politicians sa bansa bago pa man tuluyang ilabas ang narco-list. Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, gayunman binigyang-diin nito na hindi sila ang maglalabas ng listahan ng mga narco-politicians sa halip ay ipauubaya na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Albayalde, tumutulong lamang sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng mga validation at nasa desisyon pa rin ng pangulo kung ilalabas ang narco-list sa publiko para tulungan ang mga…
Read More