PANLALAPASTANGAN NG CHINA, TULDUKAN NA!

POINT OF VIEW

NakapanluLUmo at nakakagalit ang harap-harapan nang panlalapastangan at pambubusabos sa ating mga Filipino ng China na nagsasabing kaibigan nito ang Pilipinas. Kung talagang kaibigan, bakit ganito ang kanilang ginawa? Tungkol ito sa huling kaganapan sa West Philippine Sea kung saan tila sinadyang banggain at pi-nalubog ng Chinese vessel ang barkong pangisda ng mga Filipino na M/V GEMVIR1 at pinabayaan ang 22 crew at hindi tinulungan para mailigtas. Ito ay nangyari noong June 9 ng hating gabi sa Reed Bank o kilala rin sa tawag na Recto Bank sa West Philippine…

Read More

KARAPAT-DAPAT NA HOUSE SPEAKER ANG IUPO

POINT OF VIEW

Habang nalalapit na ang pagbubukas ng 18th Congress sa susunod na buwan, naglulutangan na ang mga pangalan na gustong masungkit ang pinakamataas na posisyon sa House of Representatives at Senado. Sa Senado, dalawang pangalan lang ang lumalabas, ito ay sina incumbent Senate President Vicente Sotto at reelected Senator Cynthia Villar. Nagkaroon ito ng kaunting sigalot sa pagitan ng incumbent at incoming senators, pero ayon sa mga lumabas na balita ay nagkahilutan na sila sa ini-host na dinner ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang bahay sa Makati. Sinasabi na sure ball…

Read More

ILLEGAL DRUGS SA BANSA DUMARAGSA

POINT OF VIEW

Bakit sa kabila ng mahigpit na kampanya ng ating gobyerno sa illegal drugs, hindi pa rin ito na nasusugpo o nababawasan man lang at parang lumalala pa ang problemang ito? Ang anti-drug campaign ay isa sa mga flagship program ng kasalukuyang administrasyon kung saan ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong  umupo siya na kanyang  tatapusin  ang problemang ito sa loob lamang ng anim na buwan. Subalit nabigo siya  at humingi ng extension matapos nitong matuklasan na ang problema ng droga sa buong bansa ay mas malala pala kaysa sa kanyang…

Read More

MAGSASAKA UMIIYAK NA SA BAGSAK PRESYO NG PALAY

POINT OF VIEW

Nitong mga nakalipas na linggo ay may mga nababasa tayong mga artikulo at balita tungkol sa hinaing ng ating mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagbaba ng buying price ng palay sa bansa. Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus tayo sa katatapos lamang na May 13, 2019 midterm elections. Base sa kanilang  mga reklamo, nitong katatapos na anihan, ang presyo ng  palay ay binibili na lamang sa kanila ng P14 per kilo ng National Food Authority (NFA), mula sa dating P16 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice…

Read More

DAPAT MAY MAKULONG AT MAPARUSAHAN SA VOTE BUYING

POINT OF VIEW

Natapos nang mapayapa at matagumpay sa pangkalahatan ang ginanap na midterm elections nitong Mayo 13, sa buong bansa, sa kabila, na inamin ng Commission on Elections (Comelec) na may kaunting kaguluhan at aberya ang katatapos na halalan. Katulad nang inaasahan, hindi pa rin nawala ang problema gaya ng pag-malfunction ng mga vote counting machines (961) at SD cards (1,665), problema sa transmission ng election returns (ER), at ilang kaguluhan, subalit, malaki pa rin ang ating pasasalamat sa Panginoon at sa mga awtoridad dahil hindi naging madugo ang eleksyon ngayon. Binabati…

Read More

KAPALPAKAN MO, HUWAG IBATO SA IBA

POINT OF VIEW

Dapat bang sisihin ang iba dahil napulaan ka ng dahil sa iyong pagkakamali at pagiging iresponsable? Ang katanungang ito ay ipinepresenta lang natin, dahil naging karaniwan nang ginagawang paninisi ng ilang opisyal ng gobyerno sa mga mamamahayag, tuwing pumalpak o sumablay sila sa kanilang trabaho. Tulad ng ginawang paninisi at pambabatikos ng Malacañang partikular ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ilang media outfits sa umano’y naglabas ng maling pahayag na sina Olympian Hidilyn Diaz at television host Gretchen Ho ay kasama sa mga newly-released matrix na nagpapakita ng mga personalidad na umano’y nagsasabwatan para…

Read More

DUGYOT NA BARANGAY PINALILINIS NG DILG

POINT OF VIEW

Pinaglilinis ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay opisyal sa kanilang kinasasakupan at binalaan na mahaharap sa parusa ang mga ito kung hindi sila maglilinis ng kanilang nasasakupan. Ang direktiba ay inilabas ng DILG nitong Abril 30, 2019 dahil napapansin na nila ang maraming ‘dugyot’ na barangay na hindi nakikipagtulungan sa paglilinis sa kanilang lugar na nakakaapekto sa pangkalahatan. Ang mga nakakalat kasing mga basura na ito ay napupunta sa mga daluyang tubig gaya ng kanal, ilog at napupunta rin sa ating karagatan na nakakaapekto sa…

Read More

MALILIIT NA MAGBABABOY UMAARAY SA BUMABAHANG IMPORTED PORK

POINT OF VIEW

Umaaray ngayon ang mga maliliit na magsasaka ng baboy sa bansa dahil sa pagbaha ng mga imported na karne nito sa ating bansa. Naging sanhi ito sa pagbagsak ng farmgate price ng baboy sa bansa na nagkakahalaga na lamang ng P110 per kilo na umano’y parang balik puhunan lamang o lugi pa sila rito. Ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) labis na nakakaapekto sa mga maliit na magbababoy o yaong tinatawag na “backyard hog raisers” ang sobra-sobrang suplay ng imported na karne ng baboy kaya nagbabanta na…

Read More

KAILAN PA KAYA MAAAPRUBAHAN ANG 2019 NATIONAL BUDGET?

POINT OF VIEW

Kalagitnaan na ng Abril subalit wala pa ring katiyakan ang sambayanang Filipino kung kailan mapagtitibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trilyon national budget bill para sa taong 2019 at kasabay nito’y apektado rin ang kabuuang operasyon ng gobyerno. Nitong Huwebes, nabuhayan na ng loob ang mga mamamayan partikular ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno nang  inihayag ng Malacañang na inaasahang lalagdaan na ng Pangulo ang panukalang budget sa darating na April 15, araw ng Lunes. Subalit, nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador…

Read More