NAUUBUSAN na ng pondo ang mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Sa Laging handa press briefing sa Palasyo, inamin ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na masisimot na partikular ang calamity fund ng mga kinauukulang Local Government Units. Ito’y dahil sa hindi pa nasisingil na bayad na manggagaling sana sa amelyar at business permits. Nakikita namang solusyon ng DILG tungkol dito, ang makahugot ng pondo sa kapitolyo ng Batangas at makausap ang Kongreso para sa additional funding. Kaugnay nito’y inihayag ni Usec Densing…
Read MoreTag: pondo
PONDO NG DEPED TINAPYASAN
MALAKING hamon ngayon sa Department of Education (DepEd) ang pagbawas sa kanilang pondo para sa Basic Education Inputs program sa inaprubhang General Appropriations Act (GAA) 2020, partikular sa pagpapatayo ng mga bagong gusali nito na tiyak na makaaapekto nang malaki sa bilang ng mga estudyante sa bawat classroom sa mga darating na taon. Gayunman, ikinagalak ni DepEd Secretary Leonor Briones na nakapaloob sa inaprubahang GAA ang salary increase para sa teaching at non-teaching na kawani ng ahensiya epektibo ngayong January 2020 na aniya ay malaking inspirasyon sa halos isang milyong…
Read More2019 BUDGET EXTENDED HANGGANG 2020
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGTIBAY sa ikalawang pagbasa ang isang panukalang batas para palawigin ang buhay ng 2019 national budget hanggang Disyembre 2020. Sa pamamagitan ng viva voce voting sa plenaryo ng Kamara, lumusot ang House Bill (HB) 5437 na iniakda nina House deputy speaker Loren Legarda at House committee on appropriation chairman Isidro Ungab. Base sa nasabing panukala, maaari nang gamitin ang pondo sa ilalim ng 2019 national budget hanggang Disyembre 31, 2020 lalo na maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay (CO) na hindi magagastos hanggang Disyembre 31, 2019.…
Read MoreHIGIT 44K SCIENCE SCHOLARS POPONDOHAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pondo ng gobyerno para sa pag-aaral ng 44,475 science scholars sa susunod na taon kabilang na ang 1,927 para sa PhD at 4,264 sa Masters programs, bilang bahagi ng ‘national talent pool’ na kailangan ng bansa. Binigyang-diin naman ni Recto na ang P7.4 billion na halaga ng tuition, libro, travel, living at iba pang allowances ng mga scholars, kabilang ang operasyon ng Philippine Science High School (PSHS) at Science Education Institute (SEI) ay hindi dapat ituring na gastos…
Read MorePONDO BUMUHOS; P67.3-B NG DOH IBIBIGAY SA PHILHEALTH
(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), binubuhusan pa rin ito ng pondo sa ilalim ng 2020 national budget habang kinaltasan naman ang budget ng mga public hospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH). Ito ang inirereklamo ng mga militanteng mambabatas matapos matuklasan sa plenary debate sa pondo ng Department of Health (DOH) na malaking bahagi sa kanilang P155 Billion sa 2020 ay mapupunta lang sa Philhealth. Sa press conference ng Makabayan bloc sa Kamara nitong Biyernes, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand…
Read MoreBILYONG PONDO SA MANILA BAY MASASAYANG LANG KUNG…
(NI ABBY MENDOZA) NANGANNGAMBA si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na mababalewala lamang ang rehabilitasyon sa Manila Bay kung hindi titiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maipatutupad ang kautusan ng Korte Suprema na maglagay ng sewer lines. “Money will just go down the drain until Manila Water, Maynilad put up sewer lines as ordered by Supreme Court. Nothing has changed. Right now, the bulk of Metro Manila’s raw sewage, including those from households, still drain into the Pasig River and other waterways that all empty out…
Read More