IPINAKITA ng Bureau of Customs-Port of Manila na handa silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng kalamidad. Sa pangunguna nina Atty. Florante Macarilay, Deputy Collector for Assessment; Atty. Ma. Liza Sebastian, Deputy Collector for Operations at Carmencita Cerdenia, Deputy Collector for Administration ang pagtitipon ng kanilang mga tulong. Ilan sa mga donasyon ng POM ay mga kumot, damit, kulambo, diapers, hygiene kits, de lata, noodles, gamot, tubig at iba pa na itinurn over nila sa Non-Government Office na magdadala sa Mindanao kung saan maraming pamilya ang napinsala ng kalamidad. (Boy Anacta) 231
Read MoreTag: port of manila
‘ECONOMIC SABOTAGE’ SA BOC IIMBESTIGAHAN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAIMBESTIGAHAN ni House minority leader Danilo Suarez sa kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang delayed delivery ng mga cargo sa Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor na itinuturing nitong isang ‘economic sabotage’. Sa House Resolution 2399 na inakda ni Suarez, nababahala ito sa mga report na nadedelay ang pagdeliver ng mga cargo dahil sa iba-ibang kadahilanan tulad ng port congestion. “It has come to the attention of this representation that there has been a substantial delay in the delivery of cargoes from the MICT…
Read More