MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(IKALAWANG BAHAGI) Gaya ng marami pang bata ngayon sa mga nayon, naranasan ko ang maglakad nang mahaba para makapasok sa elementarya—mga 30 minuto (pag diretsong lakad o medyo patakbo dahil hinahabol ng bakang nakasuga sa daraanan) hanggang isang oras (kung may kasamang laro at pamimitas ng wild berries o iba’t ibang ligaw na prutas sa daraanan). Nababasa ka sa ulan (malalakas na rin ang mga bagyo noon), lulusong ka sa putikan na nakapaa (walang kuwenta ang sapatos o tsinelas kaya bibitbitin mo na lang), hahamunin mo ang rumaragasang tubig sa…

Read More

MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(UNANG BAHAGI) Mahabang panahon ang nagugugol ng bawat isa sa atin sa paaralan. Marami ring pera ang nauubos ng bawat pamilya para sa edukasyon. Alam natin na mataas ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa larangang ito ng ating buhay. Kung sa mga nakalipas na dekada, anim o pitong taon ang umpisa ng buhay-mag-aaral, sa ngayon, unang hakbang pa lang yata ng isang bata, minsan ay gusto na siyang ipasok ng mga magulang sa paaralan, lalo na kung may-kaya naman ang pamilya. Dahil isa sa pangunahing iniikutan ng buhay ng bawat…

Read More

ANG NAGBABAGONG TREND SA EDUKASYON

Psychtalk

(HULING BAHAGI) Bilang bahagi ng patuloy na paghimay sa usa­pin ng pagtaas ng bilang ng mga kalalakihang ‘di nakatatapos ng pag-aaral, susubukan din na­ting unawain dito ang ilan pang salik na pinapalagay na nagdulot ng trend na ito sa edukasyon. Ayon sa ilang pag-aaral, tinitingnan na may epekto ang obserbasyon na tila mas nahuhuli ang maturity ng mga lalaki kaysa mga babae. Dahil dito, isang mala­king hamon sa kanila ang pagharap sa mga mabilis na pagbabago ng mga sitwasyon, pati na rin kung sobrang nagiging mahirap o kumplikado ang mga…

Read More

ANG NAGBABAGONG TREND SA EDUKASYON

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Sa unang bahagi ng artikulong ito, may mga obserbasyon at katanungang binitiwan na marapat lamang sigurong masagot para sa mas malalim na kaunawaan ng lahat. Ang isa rito ay ang obserbasyon na tila mas marami sa mga tumitigil sa pag-aaral ay mga lalaki. Sa-makatuwid, sa college dropouts sa Pilipinas na umaabot na sa halos 10% kada taon sa mahigit isang dekadang nakalipas, mas marami sa mga ito ay kalalakihan. Ang trend na ito ay nakita rin sa ibang bansa gaya ng US na kung saan halos umaabot sa…

Read More

ANG NAGBABAGONG TREND SA EDUKASYON

Psychtalk

(Unang bahagi) Isang malaking isyung kinaharap ng mga kababaihan ilandaang taon na ang nakalilipas ay ang karapatang makapag-aral sa mga kolehiyo at uni­bersidad. Bagama’t nakakapag-aral naman, matagal na ang pag-aaral para sa kababaihan sa mahabang panahon ay nakatuon para mas maihanda sila sa paggawa  ng kanilang mga  ‘reproduktibong’ gampanin bilang mga dakilang “homemakers.” Mahigit isandaang taon pa lang ang nakalilipas nang sa unang pagkakataon ay pinayagan ang mga babae na mag-aral ng isang kurso o propesyon. Ibig sabihin, pwede na siyang maghanda o kumuha  ng teoretikal at praktikal na kaalaman…

Read More

ANG ISYU NG MGA DEAF-MUTE NA MAG-AARAL

Psychtalk

Isang bagong sitwasyon sa edukasyon ang nakita kong bumabagabag sa ilang kababayan. Ito ay ang kalagayan ng mga kabataang may mga espesyal na pangangailangan ngunit nais makapagpatuloy sa kolehiyo pero maraming salik na nagbibigay-hadlang. Isang single parent na ina na malapit sa akin ang nababagabag dahil sa kagustuhang mapag-aral sa magandang kolehiyo ang dalagita na deaf-mute. Taga-probinsiya sila ngunit dahil may talino at talent naman ang anak (na nanalo sa mga regional competition sa photography) kaya naipasa niya ang entrance scholarship sa isang kolehiyo sa Maynila na may espesyal na…

Read More

BRIGADA ESKWELA

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Kaugnay pa rin ng isyu ng Brigada Eskwela, nais kong ibahagi ang isang nakaka-inspire na kuwento ng isang gurong malapit sa akin. Ito ay kuwento ng isang pamangkin na kahit Psychology major siya ay mas pinili niyang maging guro sa Grade 6 sa isang public school sa probinsya. Narinig ko kasi na siya’y nagso-solicit  sa pinsang kababata niya na ngayon ay isa nang abogada.  Para raw sa iba’t ibang materyales upang mas maging buhay at interaktibo  ang kanyang pagtuturo. Bahagi pa  rin  daw ito ng taunang Brigada Eskwela…

Read More

BRIGADA ESKWELA

Psychtalk

(Unang bahagi) Galing  ako sa pamilya ng mga guro. Ilang mga tita, mga kapatid, mga pamangkin, at mga asawa nila ay pawang mga edukador. Kaya’t bata pa ako ay may muwang na ako sa mga gawain ng mga guro. Bagamat ‘di naman ako nag-major ng Education, dahil Psychology ang naging kurso ko mula undergrad hanggang graduate school, nauwi rin ako sa larangan ng edukasyon pagkatapos ng mga gawain sa NGO (non-governmental organization) sector. ‘Yun nga lang, mas pinili kong maglingkod sa kolehiyo at unibersidad, taliwas sa maraming kapamilyang pinili sa…

Read More

AYUDA PARA SA MGA FILIPINONG INA

Psychtalk

(Huling bahagi) Sa paglalayong magpakita pa rin ng pagmamalasakit sa kalagayan ng mga nanay na Filipino, may ilan pa ring naiisip na kaparaanan. Ang isa rito ay ang bagong hain na panukalang batas sa Kongreso, ang House Bill 8875, or “Housewives Compensation Act,” na nagnanais na magbigay ng P2,000 na ayuda kada buwan para sa mga ina ng tahanan na nabubuhay sa baba ng poverty line. Sa partikular, nais ng batas na bigyang sahod ang mga misis  lalo na ‘yung mga walang ibang hanapbuhay, at nakatuon lamang ang buhay sa…

Read More