Sa nalalapit na May 13 midterm elections ano nga bang klaseng paghahanda mayroon ang mga Filipino para rito? May mga listahan na ba tayo sa mga dapat na iupong mga kandidato para maglingkod sa bayan at sa mamamayan? Ilang araw na lamang ang ating bibilangin para tayo ay makaboto, kaya dapat ay maging handa tayo bago ang mismong halalan. Panay-panay na ngayon ang mga ulat tungkol sa mga survey kung sino ang mga nangungunang mga kandidato sa pagkasenador. At ayon sa mga pag-aaral ng mga political analysts ang survey ay…
Read MoreTag: Sa Totoo Lang
HUWAG NA SANANG BUMALIK ANG M/V EMERALD
Mabuti naman kung hindi na matutuloy ang dredging project sa Lobo, Batangas at hinarang na ito ng lokal na pamahalaan doon. Ito kasi ang pinakahuling ulat sa ngayon na alam natin, na kahit paano ay lulusaw sa pangamba ng mga residente ng Lobo. Kahit papaano ay makakahinga na ang mamamayan ng Lobo at may kapanatagan na rin ang bansa. Gayunman, dapat alerto at nakahanda pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari dahil maaaring bumalik ang foreign dredging vessel na M/V Emerald at magpatuloy ito sa kanilang layunin. Nilisan ng dredging vessel ang naturang lugar…
Read MoreDAMAY-DAMAY NA
Pagdating talaga sa ilegal na droga lalo’t may hulihan na at tinuro nang salarin, susundan at susundan ito ng pagtuturo para hindi lang isa ang problemado sa isyu. Isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon ang dating opisyal ng Philippine National Police na si Police Col. Eduardo Acierto sa umano ay pagpuslit ng higit P4 bilyong halaga ng shabu gamit ang magnetic lifter. Kahit pa siguro anong halaga ng shabu, basta malalaking pangalan o personalidad ang sangkot dito ay aalingasaw talaga ang isyu. Dumipensa si Acierto at sinabing biktima…
Read MoreMALINAW NA INSULTO
Tila walang naasahang suporta ang mamamayang Filipino mula kay Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo nang sabihin nitong tamad at mabagal ang ating construction workers. Ipinagtanggol kasi ni Tulfo na kaya mas maraming kumukuha sa mga Chinese workers ay dahil maayos silang magtrabaho kung ikukumpara sa mga Pinoy. Sana inisip ng mama na bago siya nagsalita ng ganoon ay napakarami ring industriya na mula sa ibang bansa ang tiwala sa gawang Pinoy. Hindi ba’t iyan ang review nila sa performance ng mga Pinoy kaya kahit nasa ilalim lang sila…
Read More