TOURIST-FRIENDLY PHILIPPINES HINILING SA SENADO

(NINA DANG SAMSON-GARCIA, NOEL ABUEL) NAIS ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid na hindi lamang “It’s more fun in the Philippines” ang dapat na maramdaman ng mga turista kundi dapat alam nilang ligtas sila sa bansa. Dapat din anyang maging tourist-friendly ang Pilipinas. Dahil dito, isinusulong ni Lapid ang Senate Bill No. 878, o ‘Tourist Protection and Assistance Act,’ na naglalayong magtatag ng multi-agency task force para sa mga hakbangin upang maprotektahan at maalalayan ang mga turista, domestic man o dayuhan sa kanilang paglalakbay sa buong bansa. Sinabi ni Lapid na…

Read More

CHINESE WARSHIPS SA TERITORYO NG PINAS, BUBUSISIIN

ping44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISUSULONG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mabusisi ng Senado ang isyu ng paulit-ulit na pagpasok ng mga barkong pandigma ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Ayon kay Lacson, maghahain siya ng resolusyon anumang araw upang makapagsagawa na ng ‘inquiry in aid or legislation’ ang Senado hinggil sa isyu. Sinabi ni Lacson na dapat maging malinaw ang mga polisiya hinggil sa pagpasok ng mga barkong ito sa teritoryo ng Pilipinas. “Issue talaga na dapat tingnan ng Senado para sa policy. Policy issue kasi yan. Ano ang policy…

Read More

P22.5-B BUWIS SA POGO WORKERS ‘DI NAIBABAYAD SA GOBYERNO 

(NI NOEL ABUEL) IIMBESTIGAHAN ng Senado ang sinasabing mga hindi nakolektang buwis mula sa mga registered at unregistered foreign workers at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry ng mga Chinese workers. Sa inihaing Senate Resolution no. 89 ni Senador Sherwin Gatchalian, nais nitong matiyak na mahusay na naiimplementa ang Philippine tax, immigration at labor laws sa mga dayuhang manggagawa sa buong bansa. Giit ng senador, nakababahala na aabot sa 130,000 Chinese workers na nagtatrabaho sa POGOs ang hindi nagbabayad ng kaukulang buwis kung kaya’t dapat na seryosohin ang imbestigasyon…

Read More

MILITANTE PINADADALO SA SENADO VS NAWAWALANG AKTIBISTA

militant44

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang ilang senador sa mga militanteng grupo na dumalo sa pagdinig ng Senado upang sagutin ang dahilan ng paglaho ng mga estudyanteng aktibista. Ayon kay Senador Ronald Dela Rosa, umaasa itong dadalo sa ikalawang pagdinig ng Senate committe on dangerous drugs ang nasabing grupo. Nais ng senador na magpaliwanag ang naturang mga makakaliwang grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), University of the Philippines (UE) na sinasabing umakyat ng bundok at sumailalim sa immersion. Magugunitang…

Read More

PAUTANG SA PAALIS NA OFW ISINUSULONG

OFWs-12

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG sa Senado ang pagpapautang sa mga aalis na overseas Filipino workers (OFWs) na naglalayong matulungan ang pamilyang maiiwanan ng mga ito. Sinabi ni Senador Bong Revilla, Jr. na malaki ang maitutulong ng credit assistance program na naglalayong pagaanin ang sitwasyong pinansiyal ng mga OFWs at pamilya nito. Ayon kay Revilla, inihain nito ang Senate Bill No. 801 na naglalayong makatulong sa pamilya ng mga OFW na kaaalis pa lamang at hindi pa nakakatikim ng suweldo sa loob ng unang tatlong buwan. Pangunahing kailangan lamang umano ng…

Read More

P4.1-T NAT’L BUDGET ‘DI IDIDISKARIL SA SENADO

senate22

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng mga senador na hindi ididiskaril o ibibimbin ang pag-apruba sa P4.1 trilyon na 2020 national budget at hindi matulad sa nangyari noong nakaraang taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, kung saan target nitong maaprubahan bago ang October 5, 2019 at malagdaan ito bago o sa Disyembre 15. “We will be observing the practice of holding parallel hearings so that when the House-approved general appropriations bill (GAB) will arrive here in October or first week of November we…

Read More

ESTUDYANTENG NAWAWALA NIRE-RECRUIT NG REBELDE? 

bato100

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) KINALAMPAG ng ilang senador ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para mahanap ang ilang mga estudyanteng nawawala na pinaniniwalaang na-recruit ng makakaliwang grupo. Ayon kina Senador Ronald Dela Rosa at Senador Francis Tolentino, dapat na kumilos ang mga government agencies para tumulong na mabawi ang mga kababaihang menor de edad na patuloy na hinahanap ng kanilang mga pamilya. “Pakilusin natin ang intelligence community ng AFP para ma-locate ang mga bata na ‘yan. AFP at PNP, at ‘yun namang…

Read More

SENADO HATI SA DIVORCE BILL

divorce22

(NI NOEL ABUEL) ASAHAN na magiging mainit ang magiging talakayan sa Senado hinggil sa panukalang diborsyo sa bansa kasunod na rin ng magkakahiwalay na estado ng mga senador. Para kay Senador Panfilo Lacson, handa itong suportahan ang nasabing panukala na tatawaging “once in a lifetime” divorce. “Once in a lifetime, tapos the one who filed for divorce cannot remarry and the one who did not still can. Let’s see. The former will think a million times before he or she files for divorce kasi hindi ka na pwedeng mag-asawa uli…

Read More

PACQUIAO DINUMOG SA PAGBABALIK SA SENADO

pacquiao43

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) GAYA nang inaasahan, dinumog ng maraming tagahanga at mga kasama sa Senado si Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa pagbabalik nito sa bansa at sa trabaho nito. Bago ang sesyon ay marami ang dumumog sa Pambansang Kamao na ang ilan ay nagbigay ng pasasalamat dahil sa ibinigay na karangalan sa bansa matapos ang panalo sa Amerikanong si Keith Thurman. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacman na nagpapasalamat ito sa mga kapwa senador sa inihandang pagpupugay sa pagbabalik nito sa trabaho na ilang buwan din…

Read More