LAPEŇA KINASUHAN NA SA BILYONG SHABU SMUGGLING

lapena200

KINASUHAN na ng graft at administrative charges ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Customs commissioner Isidro Lapena  dahil sa pagkakasangkot umano nito sa shabu smuggling gamit ang magnetic lifters na nadiskubre sa Maynila at Cavite noong nakaraang taon. Pinangalanan ng NBI si Lapena sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at grave misconduct na isinampa sa Department of Justice, Huwebes ng hapon. Sinabi ng NBI na si Lapena na may kapangyarihan sa Customs ng mga panahong iyon ay nabigong kasuhan ang mga consignee at shippers ng magnetic…

Read More

P27-M SHABU SA LATA NG TOMATO SAUCE NASABAT

PDEA-3

(Video by LUKE LUCAS) UMAABOT sa P27 milyong halagang ng pinaniniwalaang shabu na nakatago sa mga lata ng tomato sauce ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang illegal na droga na may bigat na apat na kilo ay nakalagay sa dalawang kahon at ide-deliver umano sa isang residente sa Barangay San Roque, Navotas City. Galing umano ang bagahe sa Las Vegas City, Nevada, USA.  Sinabi ni PDEA Central Luzon Regional Director Atty. Gil Pabilona na matapos nilang ma-intercept ang droga sa airport ay nagsagawa umano…

Read More

EX-MAYOR, KAPATID, PATAY SA RAID

mindanao

PATAY ang dating mayor ng Maguindanao at kapatid nito nang magsagawa ng search warrant operation ang pulisya kaninang hatinggabi sa Cotabato City. Namatay sa mga tama ng bala sina Talib Abo, dating mayor ng Parang, Maguindanap at kapatid na si Bobby. Sinabi sa report na ni-raid ng PNP 12 Regional Mobile Force, PNP-Special Action Force, Army Special Forces Battalion, PDEA-12, ang apat na bahay ng mga Abo. Nanlaban umano sina Abo kaya napilitan ang raiding team na magpaputok. Naisugod pa ang magkapatid sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit…

Read More

P3.5-M SHABU NASABAT SA 2 ‘BAGONG’ DRUG PUSHER SA TAGUIG

DRUGS TAGUIG

(Ni NELSON S. BADILLA) Nasabat ang P3.570 milyong halaga ng 525 gramo ng shabu at iba pa nang mahuli ng mga alagad ng batas ang dalawang itinuturing na “bagong” drug pusher sa buy-bust operation sa Lungsod ng Taguig kagabi. Ang mga nakuhaan ng shabu o methampethamine hydrochloride ay sina Jayson Esguerra at Rodolf Dejos. Batay sa ulat ng pulisya ng Taguig na pinamumunuan ni Senior Supt. Alexander Santos, nakuha ang P3.570 milyong halaga ng shabu at iba pang ebidensya kina Esguerra at Dejos mula sa ikinasang buy-bust operation dakong 10:30…

Read More

P204-M DRUG CHEMICALS NADISKUBRE SA SHABU LAB SA SAN JUAN CITY

Tinatayang 30 kilong kemikal sa paggawa ng shabu na makagagawa ng P204 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang bahay sa San Juan City. Ayon kay Director Guillermo Lorenzo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska ang 30 kilong kemikal sa paggawa shabu na makagagawa ng shabu na ang aabot sa P204 milyon ang halaga. Nakumpiska rin ng iba’t ibang yunit ng NCRPO, kabilang ang pulisya ng San Juan, Eastern Police District (EPD), Northern Police District (NPD), at iba ang mga kagamitan sa paggawa…

Read More

PAGBUSISI NG SENADO SA P11-B SHABU TATAPUSIN NA

SEN RICHARD GORDON

(Ni NOEL ABUEL) Nangako ang pinuno ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee na tatapusin na sa Lunes ang imbestigasyon nito kaugnay sa P11 bilyong halaga ng shabu na pinaniniwalaang naibenta na ng drug syndicate dahil nakalusot ito sa mga awtoridad. Ani Senador Richard Gordon, chairman ng nasabing komite, huli nang kokonprontahin sina Marina Signapan at Emilyn Luquingan sa ika-21 pagdinig ng imbestigasyon ng komite. Bahagyang naantala ang pagbusisi sa nawawalang shabu dahil ayaw dumalo nina Signapan at Luquingan. Ang layunin ng pagdalo ng imbestigasyon ay upang matukoy ang taong nag-utos…

Read More