LEAVE NG SOLO PARENTS MAY DAGDAG NA 7-ARAW

Senador Risa Hontiveros-2

PINADARAGDAGAN ni Senador Risa Hontiveros ng pitong araw ang parental leave, hiwalay sa umiiral na batas ng solo parents kada taon kabilang ang 20 percent discount sa goods at serbisyo. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakapaloob ang panukala sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act o Senate Bill No. 164 upang biyayaan ang hamon at paghihirap ng solo parent sa pangangalaga ng kani-kanilang mga anak. “Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” ayon kay Hontiveros, principal author ng panukala…

Read More

DAGDAG-BENEPISYO SA HIGIT 15-M SOLO PARENTS, ITINUTULAK

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIHAIN  ni Senador Bong Revilla ang panukala na nagsusulong ng karagdagang benepisyo at pribelihiyo sa mga solo parents partikular ang diskwento sa gatas, supplements, diapers, mga gamot, bakuna, damit, school supplies at iba pang pangangailangan. Alinsunod sa Senate Bill No. 951, nais ni Revilla na amyendahan ang Republic Act. No. 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000. Sinabi ni Revilla na sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas, mahigit 15 milyong solo parents ang makikinabang, kung saan  ang 95 percent ay babae na higit na nahihirapan lalo…

Read More