(NI BETH JULIAN) PUMAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-operate ang STL pero mahigpit itong nagpaalala na dapat sumunod sa mga kondisyon ang mga operators at franchise holders ng STL. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matatanggal lamang ang suspensyon sa operasyon ng STL kapag nakasunod na sila sa mga itinakdang kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ay ang pagdedeposito ng franchise holder ng kanilang shares sa PCSO ng tatlong buwan para naman sa franchise holder na hindi pa nakagagawa nito ay kailangang magdeposito ng kanilang kakulangan. Mayroon ding waiver na…
Read MoreTag: stl
STL BALIK-OPERASYON NA
(NI ABBY MENDOZA) BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan. Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board. “Pursuant to the recommendation of PCSO, the…
Read MoreRETIRED POLICE, MILITARY SA STL: NO BIG DEAL – DU30
(NI BETH JULIAN) WALANG problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may ilang retiradong pulis at military general ang may prangkisa ng small town lottery (STL). Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa 118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP), kasabay ng pahayag na wala siyang nakikitang masama basta’t masiguro lamang na sumusunod sa panuntunan at batas. “Let me say this to you now. The allegation that police generals, retired, are into the STL, lotto and what not, I said: ‘You do not have a problem with me.’…
Read More‘LOTTO, STL OPERATORS KAYANG MABUHAY KAHIT TIGIL-OPERASYON’
(NI BETH JULIAN) INAMIN ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na walang magagawang hakbang ang pamahalaan para sa mga kawani ng lotto outlet at STL operations na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon nito. Sa press briefing sa Malacanang, ikinatwiran ni Panelo na kaya namang maka-survive ng mga Filipino sa tuwing may ganitong inaasahang sitwasyon. Hindi dapat i-under estimate, ayon kay Panelo, ang kakayahan ng mga Filipino dahil nagagawan ito ng paraan sa tuwina para mairaos ang buhay. Naniniwala si Panelo na hindi naman…
Read MoreHAMON KAY DU30: CASINO ISUNOD NA IPASARA
(NI BERNARD TAGUINOD) IKINATUWA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng uri ng sugal sa bansa kasama na ang pagpapasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit dapat aniyang isama na dito ang mga casino. Ayon kay Cibac party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva, good news aniya ang pagkansela ni Duterte sa permit ng mga Lotto at Small Time Lottery (STL) sa buong bansa dahil maaari na umanong makaiwas ang Pilipinas bilang gambling Center of the World. “Sana pati mga Casinos…
Read MoreLOTTO OUTLETS SINIMULAN NANG ISARA
(NI MAC CABREROS) BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga. Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora Blvd. Brgy…
Read MorePNP TULOY SA PANGHUHULI SA JUETENG OPERATORS
(NI NICK ECHEVARRIA) PATULOY pa rin ang gagawing panghuhuli ng Philippine National Police (PNP) sa mga sangkot sa operasyon ng jueteng sa bansa, ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, sinabi ni Banac na ipauubaya na nila sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag na mas gugustuhin pa nito ang patuloy na operasyon ng jueteng kesa drug trafficking sa bansa dahil nagiging kabuhayan o source of living na ng mga mahihirap na Filipino ang jueteng. Ayon kay Banac, mananatili ang kanilang pagtupad sa kanilang…
Read MorePROBLEMA SA STL; REVAMP SA PCSO, ISUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa hindi maresolbang problema sa Small Town Lottery (STL), irerekomenda umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na irevamp ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). “We will recommend revamp in some of the offices, some members of the Board should be replaced. There are only five, mamili na lang kayo kung sino, with the exception of Sandra Cam,” ani House minority leader Danilo Suarez. Nitong Martes, muling nagsagawa ang House committee on public account na pinammunuan ni Suarez at at Committee on games and…
Read MorePANELO: SANDRA CAM MAAARING MAG-RESIGN KUNG GUSTO NIYA
BINUWELTAHAN ng Malacanang ang pasabog ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam sa pagsabing malaya siyang makaaalis sa pwesto kung hindi na niya masikmura ang korupsiyon sa ahensiya. Hindi na rin umano niya kailangan pa ang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa pwesto, ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo. Isang press conference ang ipinatawag ni Cam noong Huwebes at hiniling nito sa Pangulo na sibakin na siya sa pwesto dahil umano sa mga katiwaliang nagaganap. Ayon sa report, sinabi ni Cam na may P10 bilyon…
Read More