DAVAO Occidental – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki sa nangyaring sunog sa Brgy. Kisulad sa bayang ito. Kinilala ni Corporal Jun Glee delos Nieves, imbestigador ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang biktimang si Harry Jay Yalon Banuelos. Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-11:00 nitong Huwebes ng gabi, nagsaing si Richan Lee, 10, kapatid ng biktima, sa kanilang kusina ngunit nakatulog dahil sa pagod. Dakong 2:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nagising si Richan Lee dahil sa init ng apoy sa nagliliyab nilang bahay. Tinangka niyang iligtas…
Read MoreTag: SUNOG
SUNOG SUMIKLAB SA KAPUSO NETWORK
NASUNOG ang bahagi ng compound sa loob ng GMA 7 Network sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Martes. Sa report ng Quezon City Fire Bureau, unang sumiklab ang sunog sa loob ng isang canteen sa Kapuso compound. Alas-11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma. Ngunit agad namang itong naapula alas-11:45 ng umaga. Inaalam pa kung ano ang naging dahilan nang pagsiklab ng apoy sa canteen. Pinalabas ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng sunog. (JG TUMBADO) 305
Read MoreSUNOG SA PASAY: 9 PATAY!
SIYAM katao kabilang sa dalawang pamilyang okupante sa Maricaban, Pasay ang patay matapos lamunin ng apoy ang kanilang dalawang palapag na bahay Huwebes ng madaling araw. Bandang alas-2:10 nang sumiklab ang apoy at hindi na umano nagawa pang makalabas ng mga biktima na noon ay mahimbing nang natutulog. Kinilala ang mga biktimang sina Micheal Calma, 44, John Clark Calma, 17, Mark Joseph Calma, 23, Andrew James Calma, 11, Julius Wablas, 39, Rheadela Wablas, 40, Jhulea Janet Wablas, 16, Nichol Wablas, 9, at Jurick Andrea Wablas, 3. Ang sunog na katawan…
Read MoreSUNOG SA ANTIPOLO CITY JAIL 13 ANG SUGATAN
Labing-tatlong bilanggo ang iniulat na nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa Antipolo City Jail sa Barangay San Jose, Antipolo City dakong ika- 8:00, Huwebes ng gabi. Batay sa ulat, nagtamo ng 1st hanggang 2nd degree burn ang karamihan sa mga inmate na dinala sa Antipolo District Hospital, maliban sa isang bilanggo na nabalian umano ng braso sanhi ng stampede. Samantala, sa inisyal na ulat, siyam sa 13 bilanggo ang nakabalik na sa Antipolo City Jail. Inaasahang mabibigyan din ng clearance mula sa doktor ang natitirang mga inmate. Ayon sa Bureau…
Read MoreSUNOG SA ANTIPOLO CITY JAIL UMABOT SA IKALAWANG ALARMA
NASUNOG ang Antipolo City Jail sa Barangay San Jose, Antipolo City dakong 8:00 ng gabi (December 27). Ayon sa Bureau of Fire Protection, tumagal ang sunog nang halos 1 oras bago tuluyang naapula. Inaalam pa ng awtoridad kung may nasugatan o nakatakas na preso at ang dahilan ng sunog. 150
Read More56 ANYOS NA LALAKI, UTAS SA SUNOG
Nasawi ang 56-anyos na lalaki matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Habang humigit kumulang naman sa 15 kabahayan ang nadamay na tinatayang aabot sa halagang P400,000 ang napinsalang ari arian. Nakilala ang nasawi na si Rolando Argote, residente ng Molina St. Brgy. Viente Realis. Ayon sa mga residente, dakong 6:15 ng umaga nang unang makarinig ng pagsabog na sinundan ng pagsiklab ng sunog na nagmula sa bahay na pag-aari umano ng isang Elvira Galduque sa naturang lugar. Mabilis kumalat ang apoy na umabot…
Read More