‘DUWAG SA TSINA ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE’

TINGNAN NATIN

SINISIRA talaga ng mga Intsik ang likas na yamang dagat sa West Philippines Sea, hindi na ito sikreto at hindi na maitatago. Tingan Natin: kitang-kita sa sariwang mga “satellite images” na inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ang mapaniraang mga barko ng intsik na humahango ng taklobo sa karagatang sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas. Bukod sa walang pakundangang pagnanakaw ng mamahalin at endangered na “giant clams” o Taklobo, permanenteng pinsala ang dulot ng pamamaraan ng mga Intsik na nanghihimasok sa teritoryo ng bansa. Inaari ng Tsina ang halos kabuuan…

Read More

WALA NANG SIKRETO SA PAGBOTO

TINGNAN NATIN

ANG alam natin, secret o nakatago kung sino ang ibinoto ng botante liban na lang kung siya na mismo ang maghahayag nito. Tingnan Natin: sa katatapos na halalan, o kahit noong mga nakaraan, wala namang naitatago. Nakikita ng mga guro na nagtatrabaho para sa eleksyon, nakikita rin ng mga “watchers,” at ng kung sino pa ang mabilis ang mata na nasa paligid kung sino ang ibinoto. Kapag isusubo sa makina ang balota na malaki pa sa “long bond paper,” tinatanggal sa “folder” na dapat sana ay pantakip. Tayo mismo ay…

Read More

MAGHANDA LABAN SA BAHA

TINGNAN NATIN

BINAHA kaagad ang ilang bahagi ng national highway sa Castillejos, Zambales sa kaunting ulan lamang nitong nakaraang Miyerkoles, dahilan para magkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko, at maabala kapwa ang mga motorista at pedestrian na dumaraan sa naturang bayan. Tingnan Natin: ang pagbaha ay maaari namang pag­handaan lalo na kung may mga karanasan na sa nakaraan. Hindi pare-pareho ang dahilan ng pagbaha sa lahat ng lugar, maaaring sadyang mababa, o kaya’y walang “drainage system” na daluyan ng tubig, o pwede ring dahil barado ng basura at iba pa ang “drainage” dahil…

Read More

ANOMALYA NG MGA TRUCK TRADERS AT IMPORTERS SA SUBIC FREEPORT

TINGNAN NATIN

NAMAYAGPAG nang matagal ang sari-saring paglabag ng mga traders at importers ng mga segunda-mano o second-hand trucks at equipment sa Subic Bay Freeport. Tingnan Natin: ang mga paglabag ay hindi lamang direktang may kinalaman sa negosyong in-apply-an sa Freeport bagkus hanggang usapin ng “immigration” ay may kalokohan. Halos 90 companies ang mga importers at traders ng used trucks/equipment sa Subic. Bukod sa mga Pinoy, marami rin ang mga Pakistani, Bombay, Koreano at Intsik. Isa sa mga paglabag ay ang pang-aabuso sa visa. Mayroong pinalalabas na nagtatrabaho sa isang kompanya pero ang…

Read More

ASAL NG MGA INTSIK SA ATING BAYAN (Part 2)

TINGNAN NATIN

KITA na ninyo, binabalahura tayo ng mga Intsik sa sariling bansa. Pero bago tayo magpatuloy, nililinaw natin, hindi po tayo “racist,” gusto lang nating umayos ang mga dayuhan gaya ng pag-ayos natin sa ating mga gawi kapag nangingibang bansa. Tingnan Natin: mismong si Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission ay nakaranas ng hindi maganda sa mga Intsik na nakasabay sa NAIA Terminal 3. Kuwento niya, nakapila siya at iba pang Pinoy sa “predeparture area” ng airport nang mga apat o limang Intsik ang sumuong sa ilalim ng “barrier,” pinagtatawanan…

Read More

ASAL NG MGA INTSIK SA ATING BAYAN

TINGNAN NATIN

HINDI tayo “racist” o nang-aalipusta ng ano mang lahi dahil naniniwala tayo na ano mang lahi ay nararapat bigyan ng kaparehong pagpapahalaga at respeto bilang tao. Tingnan Natin: may mga kaugalian ang bawat lahi na maaaring katanggap-tanggap sa kanila, pero hindi sa iba. Dito papasok ang konsiderasyon ng nararapat at hindi nararapat, partikular sa aksiyon at asal sa ibang bayan. Marami sa ating mga Pinoy ang balahura sa pagmamaneho, simpleng batas trapiko ay nilalabag, walang pakialam sa kapwa sa lansangan. Pero pagdating sa ibang bansa tulad ng Amerika, aba’y kaya…

Read More

MAHIGIT P60-M UTANG SA SBMA

TINGNAN NATIN

KAHIT manipis ang laman, hindi malinaw ang source, at hindi beripikado, pinasabog ng Malacañang sa pamamagitan ng Manila Times ang “Matrix” na anila’y bahagi ng “Oust-Duterte Plot.” Tingnan Natin: ang Manila Times ay pag-aari ni Dante Ang na umano’y PR Man ng Malacañang kaya “suspect” ang laman. Huwag na natin kantiin ang ibang aspeto ng “Matrix” ni Pangulong Duterte at spokesman Salvador Panelo, isa lang muna ang gusto nating iklaro. Pinasasara ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Manila Times College, eskuwelahang negosyo ni Ang sa Subic Freeport, na umookupa…

Read More

HINDI KASALANAN NG MGA AMERIKANO

TINGNAN NATIN

NAGLIPANA ngayon ang mga Amerikano sa Subic Bay Freeport (maling sabi ng marami SBMA) dala ng Balikatan, ang magkasanib na military exercises ng Sandahang Lakas ng Pilipinas at Estados Unidos. Dito kasi sa Subic ang daungan ng mga barkong pandigma ng Amerika na may mga fighter jets at iba pang gamit militar para sa pagsasanay. Maraming implikasyon ang Balikatan, mula seguridad, kapwa local at international, pang-ekonomiya, hanggang moralidad. Tingnan natin: nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga sundalo at nalalantad pa sa mga gamit ng mga Amerikano kahit na…

Read More