DEPED, DPWH PINAKIKILOS SA NAWASAK NA CLASSROOMS

deped25

(NI NOEL ABUEL) IPINAMAMADALI ni Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga nasirang eskuwelahan at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Tisoy. Maliban sa nasabing mga ahensya kasama rin sa pinakikilos ni Senador Go ang Department of Energy (DOE) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan pamilya sa Bicol region, partikular sa Albay at Sorsogon. Ayon kay Go, inatasan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga opisyales ng mga nasabing…

Read More

SSS, GSIS MAY ALOK NA PAUTANG SA BIKTIMA NG BAGYONG TISOY

(NI ABBY MENDOZA) BILANG tulong sa may 90,000 pamilya na nasalanta ng bagyong Tisoy, bukas ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang financial institutions para magbigay ng pautang. Ayon kay GSIS Senior Vice President Joseph Philip Andres ang mga government employee ay maaaring mag-avail ng kanilang emergency loan at finance assistance loan pna hanggang P20,000 na maaaring bayaran sa 8% interest sa loob ng 3 taon. Sinabi naman ni  SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay na hanggang Pebrero 2020…

Read More

BIKTIMA NG BAGYONG TISOY PAUTANGIN NANG WALANG INTERES — SOLON 

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na pautangin nang walang interes ang mga biktima ng bagyong Tisoy, partikular na sa Albay na isa sa mga labis na nasalanta. Nais ni Salceda na katumbas ng anim na buwang sahod ang ipatutupad ng SSS at GSIS sa kanilang mga miyembro sa nasabing lalawigan upang magamit nila ito sa muli nilang pagbangon. Nabatid kay Salceda na nag-alok na umano ang Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig fund ng express home rehabilitation…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NG BAGYONG TISOY

angatdam12

(NI KIKO CUETO) MAY magandang naidulot ang malakas na buhos ng ulan nang dahil sa Bagyong Tisoy. Ito’y dahil tumaas ang tubig sa Angat Dam. Ayon kay Pagasa hydrologist Danilo Flores, umakyat ng 4.5 meters ang level ng tubig. Base ito sa inilabas datos ng Pagasa, kung saan ikinumpara ang level ng tubig sa alas-6:00 ng umaga noong Martes sa lebel ng tubig kanilang alas-6:00 ng umaga, Miyerkules. Nasa 193.37 meters na ito, pero malayo pa rin ito sa 210-meter level. Sinabi naman ni Flores na sa susunod na araw,…

Read More

STATE OF CALAMITY IDEDEKLARA SA ORIENTAL MINDORO

IDEDEKLARA sa ilalim ng state of calamity ang Oriental Mindoro kasunod ng pagbayo ng bagyong Tisoy sa lalawigan. Sinabi ni provincial disaster office head Vincent Gahol na pahihintulutan ng local government na gamitin ang emergency funds sa mga nasirang pananim. “Nakalulungkot kasi akala po namin kahapon wala kami masyadong pinsala. Kaya lang po nung pumasok po ‘yung mga reports sa amin kagabi ay kailangan po namin magdeklara ng state of calamity ngayong araw,” sabi nito sa DZMM. “Na-damage kasi ‘yung aming mga palayan, pinasok ng tubig-baha. ‘Yung atin pong saging,…

Read More

BAGYONG TISOY HUMINA NA MATAPOS ANG 4 NA LANDFALL — PAGASA

BAGYONG USMAN-2

(ABBY MENDOZA) MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito. Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa…

Read More

NAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI

NAIA-8

(NI FROILAN MORALLOS) PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy. Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3. Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight . Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan. Ang naging hakbang…

Read More

BAGYONG TISOY NANANALASA SA SOUTHERN QUEZON, M’DUQUE, ROMBLON

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan. Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour. Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas…

Read More

P750-M AYUDA SA ELECTRIC COOP IPINAHAHANDA 

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG ihanda na ng mga kongresista sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRC) ang P750 million na ayuda para sa mga electric cooperatives (ECs) na tatamaan ng bagyong Tisoy. Ginawa ni PHILRECA party-list Rep. Presley de Jesus ang panawagan dahil tiyak na maaapektuhan umano ang mga ECs ng bagyong Tisoy na may lakas na 140 kilometers per hour and gustiness na aabot sa 170 kph. Habang isinusulat ito ay nanalasa ang bagyong Tisoy sa Bicol region kasing lakas umano ng bagyong Reming noong  2006  at Glenda noong 2014…

Read More