(NI KIKO CUETO) INAASAHANG luluwag nang bahagya ang trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) bago mag-Pasko dahil bubuksan na ang ikatlong lane na pansamantalang isinara sa katapusan ng Nobyembre. Ito ang pahayag ng private operator na Skyway O&M Corporation. “On track naman po kami, ‘yung pangako namin na ‘yun pong isang lane na isinara namin temporarily dito sa Skyway upgrade ay isasauli natin by the 30th of November, itong katapusan ng Nobyembre, para bago mag-Christmas, bago mag-December ay three lanes na itong nasa ibaba natin,” ayon kay Skyway…
Read MoreTag: traffic
DISKUWENTO SA SLEX TOLL PINAG-AARALAN
(NI ROSE PULGAR) MASUSI pa rin pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) kung magkano ang diskuwento na kanilang ipatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon kay Raymindo Junia, Private Sector Representative ng TRB, magpupulong pa sa mga susunod na araw, ang Technical Working Group (TWG) para maresolba ang isyu. Kapag napagkasunduan na ng TWG kung magkano ang diskuwento, saka pa lamang nila iaakyat sa board kung magkano ang napagkasunduan saka pa lamang ito maaaprubahan. Sinabi pa ni Junia, sa oras na mareresolba ang usapin ay inaasahan nila sa susunod na…
Read MoreTRAFFIC CRISIS ACT OK NA SA HOUSE PANEL
(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa House Transportation Committee ang panukalang paglikha ng Traffic Crisis Inter-Agency Management Council. Layon ng panukala na nakapaloob sa House Resolution 353 na iniakda ni Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento na pag-isahin at i-harmonize ang mga polisiya para masolusyunan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila. Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng council na tatawaging Traffic Crisis Inter-Agency Management Council, bubuuin ito ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Department of Interior and Local Government, Metro Manila Development Authority,…
Read MoreEMERGENCY POWERS NI DU30 VS TRAFFIC KAILANGAN — ANDANAR
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN si Communications Secretary Martin Andanar sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang malalang problema sa trapiko. Ayon kay Andanar dapat lamang na mabigyan ng emergency powers si Duterte dahil sa paniniwalang ito lamang ang tanging paraan para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila. “Hindi ho dapat ito maging—iyong tinatawag natin na linear approach, iyong tipong you solve the traffic from A to B, A to D… bale—hindi ho dapat ganoon. Dapat…
Read MorePAMPUBLIKONG SASAKYAN PRAYORIDAD SA MGA LANSANGAN
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG hindi mahirapan ang masa sa pagbiyahe araw-araw papasok sa kanilang trabaho at sa pag-uwi, bibigyan ng prayoridad ng Kongreso ang mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan. Ito ang napag-alaman kay House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ng Samar hinggil sa blueprint ukol “centralized and synchronized bus dispatch system” lalo na sa Edsa. “Ang sasakyan ng masa ang bibigyan natin ng prayoridad,” ani Sarmiento hinggil sa kanilang ‘shorterm solution” sa tumitinding problema sa trapiko kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ang nahihirapan. Ayon sa mambabatas, hindi ang mga may…
Read More‘PAMPASAHERONG SASAKYAN I-PRAYORIDAD SA KALYE’
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL karaniwang mamamayan ang apektado sa trapik sa Metro Manila, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iprayoridad sa lansangan ang mga pampasaherong sasakyan. Isa ito sa suhestiyon ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago lalo na’t 20% lang umano sa mamamayan o populasyon ng Metro Manila ay may sasakyan habang ang natitirang 80% ay mga commuters. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Elago, naglatag ito ng ilang suhestiyon para hindi mahirapan ang mga karaniwang mamamayan sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho at eskuwelahan.…
Read MoreEMERGENCY POWERS SA TRAPIK IDINEPENSA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) IDINEPENSA ng ilang mambabatas sa Kamara ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila upang matapos na umano ang paghihirap ng taumbayan. Ayon kina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kailangan na ang ang direktang aksyon ng Pangulo sa nasabing problema dahil palala na nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ang pahayag ni Defensor ay matapos tutulan ng ilang senador na bigyan si Duterte ng emergency powers para resolbahin ang problema sa lalong madaling panahon. “Hindi…
Read MoreEMERGENCY POWER NI DU30 SA TRAFFIC, IGINIIT SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL palalala na nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit anong gawin ng mga otoridad, kailangan na umanong bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil habang tumatagal ay lumalala anila ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila kahit marami nang sinubukang solusyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ayon kina House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, House deputy speaker Raneo Abu at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, kailangan nang ikonsidera na ibigay na…
Read MoreHPG TUTULONG SA MMDA VS TRAFFIC
(NI AMIHAN SABILLO) HANDA ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) na magmando ng daloy ng trapiko katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), bago isabak sa Lunes. Katunayan ay pinulong ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng HPG, ang mahigit 50 sa 100 MMDA enforcer na makakasama nila sa pagsasaayos ng trapiko mula Timog Avenue hanggang Ortigas, kung saan pupuwesto ang HPG at MMDA sa critical points ng EDSA. Ayon kay Cruz, ang MMDA ang mangangasiwa sa paniniket ng mga pasaway na motorista at HPG naman…
Read More