BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos araruhin ng dump truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa national highway sa Barangay Buhay na Sapa, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Dante Mariano matapos unang mahagip ng dump truck ang hulihang bahagi ng kanyang minamanehong tricycle. Bahagyang nasugatan din ang asawa ng biktima at ang kanyang tatlo pang pasahero. Base sa report ng San Juan police, nabangga ng dump truck ang dalawang tricycle na sinusundan…
Read More