(NI ROSS CORTEZ) MATAPOS mangarag sa puyat sanhi ng inilatag na Comelec checkpoint Linggo ng hatinggabi, tuluy-tuloy na inilarga ng Bacoor Police sa Cavite ang Unity Walk at Interfaith Rally bilang bahagi sa pagpapakita nila at paghahangad ng isang mapayapa at maayos na midterm election sa darating na Mayo Kabilang sa mga naglakad sa Unity Walk ang mga pulis, barangay tanod, non government organization, force multiplier at mga estudyante Isa-isa namang nagsalita, nanalangin at nagpahayag ng pagsuporta ang mga pastor at lider ng Muslim Community sa lungsod ng Bacoor, Cavite…
Read More