NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na bibiyahe sa Iraq na pansamantalang ipagpaliban ito kasabay ng pag-init ng tensiyon sa rehiyon. Sa kalatas, hiniling din ng DFA sa mga Filipino sa Iraq na makipagkoordinasyon sa Philippine Embassy doon at sa kanilang employers sakaling magkaroon ng mandatory evacuation sa naturang bansa. Pinapayuhan na tumawag ang mga Pinoy doon sa Philippine Embassy sa Baghdad sa (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; at (+964) 751-876-4665. Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa baghdad.pe@dfa.gov.ph, o Facebook page at Philippine Embassy sa Iraq. Nauna rito,…
Read More