TAYONG mga taumbayan ang may sala kung bakit milyun-milyong residente ng Metro Manila ang dumadaan ngayon sa hirap dahil sa kulang na supply ng tubig. Pinayagan kasi natin ang Manila Water, ang Maynilad, ang MWSS, ang Malacañang, ang Kongreso at ang mga makakaliwang grupo na pigilan ang mga bagong dam na dapat ay noon pa naitayo para masigurong may sapat na supply ng tubig sa Metro Manila. Hinayaan natin na taasan nang taasan ang singil sa tubig sa atin ng Manila Water at Maynilad para sa bawat litro ng tubig na…
Read MoreTag: USAPANG KABUHAYAN
KORAPSYON ANG SAKIT NG FILIPINO
Ibinalita ng Malacañang noong nakaraang Lunes na sinibak na sa puwesto si Gen. Alexander Balutan bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa alegasyon ng malubhang korapsyon. Bagaman at hindi binanggit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung ano ang korapsyon na nangyari sa PCSO sa ilalim umano ni Balutan, may mga espekulasyon na ito ay tungkol sa ibinabayad na franchise fee ng mga operator ng Small Town Lottery o STL sa PCSO. Ayon sa mga lumabas sa Facebook, lalo na sa account ng aking kaibigan na si…
Read MoreMAS MARAMING MAY TRABAHO MALIBAN SA MGA MAGSASAKA
UMABOT na sa 72.4 milyong Filipino o higit sa 60 porsyento ng ating populasyon nitong nakaraang buwan ng Enero ang nasa tamang edad para magtrabaho, at dahil sa mas magandang ekonomiya ay bumaba ng kaunti ang bilang ng mga walang trabaho, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang hindi maganda ay mga trabaho sa sektor ng sakahan ang nawala dahil sa mas maliit na kita ng mga sakahan at ang pag-alis ng limitasyon sa pwedeng maiangkat na bigas galing sa ibang bansa, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto…
Read MoreMAKINA SA SAKAHAN PARA SA MAS MALAKING KITA
TAKOT ang marami na masasayang lang ang P10 bilyon na Rice Competitiveness Fund na ipinapatupad sa ilalim ng Rice Tariffication Law. Aniya ng mga kritiko, ang nakaraang karanasan kung saan bilyun-bilyong piso ng pondo ng Department of Agriculture ang nasayang sa ilalim ng administrasyon nina dating Pangulong Gloria Mapacagal-Arroyo at dating Pangulong Benigno S. Aquino III ay pruweba na nanganganib lang sa DA ang pondo. Totoo naman na napakaraming kaso ng katiwalian na ang naisampa sa mga opisyal at empleyado ng DA nitong mga nakaraang dalawang administrasyon. Nag-umpisa ito sa…
Read MoreANG LALONG PAGTAAS NG PRESYO NG LUPA DAHIL SA MEGA-MANILA SUBWAY
LALONG tataas daw ang presyo ng lupa sa mga lugar sa Metro Manila na dadaanan ng unang Mega-Manila subway na nag-groundbreaking ka-makailan lamang. Sabi ng Colliers International, isang real estate consultancy company, sa Quezon City mas mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng lupa at iba pang mga pribadong pag-aari dahil inaasahang magiging bagong sentro ng komersyo ang paligid ng mga bagong subway stations. Mag-uumpisa sa Mindanao Avenue sa Quezon City ang 30-kilometrong haba na subway, at magtatapos sa NAIA Terminal 3. Inaasahan na babawasan nito ang trapik sa Metro Manila lalo na sa EDSA dahil mayroon itong 15 istasyon na bibiyahe lang ng 30 minuto…
Read MoreHALAGA NG ASUKAL AT BIGAS KATUMBAS NG TRABAHO NG MAGSASAKA
Isa sa mga plano ng ating economic managers na gustong ipatupad na sa lalong madaling panahon ay ang pag-aalis ng limitasyon sa dami ng inaangkat nating asukal. Sa totoo lang ay matagal nang nakatali ang Pilipinas sa patakaran na tanggalin ang mga limitasyon sa laki ng mga inaangkat nating produkto mula sa ibang bansa sa ilalim ng free trade agreements na pinirmahan ng halos lahat ng bansa para sila ay makasali sa World Trade Organization (WTO) noong 1995. Walang option ang ating pamahalaan noon dahil ang hindi pagsali sa WTO…
Read MoreCLIMATE CHANGE PREPARATIONS PARA SA MAS MAGANDANG BUHAY
Ini-report ng World Bank nitong nakaraang araw na kailangan na lakihan ng mga bansa tungo sa 4.5 porsyento ng kabuuang produksyon ng ekonomiya nila o ang gross domestic product (GDP) ang gastusin para sa mas matibay na mga imprastraktura at sistema para maging handa at mas kayanin ng taumbayan ang mga mas matitinding bagyo, init, baha, at iba pang kalamidad sanhi ng climate change. Pero sa Pilipinas, mas malaki pa sa sinabing antas ng World Bank ang gastos sa Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil 5.4 porsyento…
Read MoreUNLI RICE IMPORTATION OKAY DIN PARA SA MGA FARMER
REKLAMO ng mga grupo ng mga magsasaka at ilang politiko ang kakapirma lang na Rice Tariffication Law na papayagan na ang unlimited rice importation kapalit ng 35 porsyentong taripa o buwis para sa mga bigas na galing sa mga miyembro ng ASEAN at 50 posyento para sa mga ibang bansa. Sa mga grupo ng mga magsasaka at mga politiko na karamihan ay galing sa kaliwang hanay ng politika, masama para sa 2.5 milyong pamilya o mga 20 milyong Filipino na umaasa sa pagsasaka ng bigas ang unlimited rice importation dahil…
Read MoreLUZON RAIL PROJECTS ANG SUSI SA PAG-UNLAD
MAHIGIT kalahating milyong pasahero araw-araw ang kayang dalhin ng binabalak na commuter train mula Clark sa Pampanga patungong Malolos, Bulacan kung saan kinukumpleto ang bagong MRT-7 na didiretso sa Ayala sa Makati City, pati na ng bagong commuter train na itatayo mula Calamba, Laguna papuntang Manila ‘pag makumpleto na ang mga ito sa taong 2023. Mahalaga ang commuter train service para maging mas mabilis at maalwan ang biyahe ng taumbayan mula sa tinatawag na “overnight capital” ng Metro Manila na mga bayang kalapit sa probinsiya ng Bulacan at Pampanga sa…
Read More